Chapter 10: Chess

19.8K 170 48
                                    

Zeilica’s POV

Pinagmamasdan ko si Kyo habang inaayos ang coat niya. Hindi ko mapigilan na hindi mag alala. He’s too beautiful in his white gown.

Ito ang unang gabi niya na papasok sa Hayward Hospital para maging assistant ni Dr. Hayward.

Tumayo ako at iniharap siya sakin.

“This is definitely no good”- sabi ko at tinanggal ko ang white gown niya.

Bakit ganun? He still looks too good.

Sinimulan ko ng tanggalin ang polo niya pero pinigilan niya ako kaya napatingin ako sa kanya.

“Why are you stripping me?”

Huh? Stripping?

Napalunok ako.

“Yo-you look too good. Baka landiin ka lang ng mga nurses dun.”- sabi ko at umiwas ng tingin.

Narinig ko siya’ng tumawa. Hinila niya ako sa bewang.

“Don’t worry too much. Hindi ko naman sila papansinin dahil ikaw lang ang babae na nakikita ko”- sabi niya habang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Pumikit ako at dinikit ang labi ko sa labi niya.

Shit. What the hell am I doing? Naramdaman ko nalang na mas lalo niyang idinikit ang katawan ko sa kanya.

Maya-maya pa ay siya na rin ang naglayo ng labi niya sa labi ko.

“I’ll see you tomorrow. Aubrey will be here any minute”- sabi niya at hinalikan ulit ako.

Ng makaalis na siya ay hinawakan ko ang labi ko. He’s such a good kisser. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako. Hindi na kami masyadong nagaaaway ngayon at hinahalikan na rin niya ako.

***

Naglalakad si Kyo sa hallway ng ospital ng may marinig siyang ingay galling sa clinic ng isang doctor na ang alam niya ay nasa holiday. Huminto siya at pinakinggan pa ang ingay.

Ingay ito ng mga supplies na bumabagsak. Medyo bukas din ang pinto at nakita niyang sira ang electronic key.

Sumilip siya sa loob at nakita niya ang isang babae na nakakulay itim na maikling dress at dumudugo ang braso.

Nakilala niya agad ang babae. Ito ang babae na lagi niyang nakikita na kasama ni Jiro.

Pumasok siya sa loob kaya naman napatigil si Tricia sa ginagawa niya at napatingin kay Kyo.

Ngayon ay nakatutok kay Kyo ang baril na hawak ni Tricia. Nagulat naman si Tricia ng makilala niya kung sino ito. Binaba na rin niya ang kanyang baril.

“I’ll help you remove the bullet so just sit down”- sabi ni Kyo at kumuha ng surgical gloves.

Ngumiti naman si Tricia at sinunod ang sinabi ni Kyo.

“We haven’t formally introduced ourselves. I’m Tricia Abendroth”- sabi ni Tricia.

Tiningnan naman siya ni Kyo.

“I’m Adrian Kyo Aizawa”- sabi ni Kyo at kinuha na ang mga kailangan niya.

“I know”- sagot sa kanya ni Tricia.

Habang inaalis ni Kyo ang bala ay hindi niya maiwasan na mapatingin kay Tricia.

“Does it hurt?”- tanong ni Kyo bago niya tuluyang alisin ang bala.

“Not really. I’m used to it”- sagot sa kanya ni Tricia habang nakangiti.

Napatango lang sa kanya si Kyo at tuluyan ng inalis ang bala.

Heartbeat of a Gangster (AGSMH book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon