Panagutan Mo 'Ko! *4*

59K 1.1K 202
                                    

Panagutan Mo 'Ko! *4*

Bumangon at tumayo ako mula sa kama na papungas-pungas pa. Napahawak ako sa ulo ko kasi ang sakit. Pati buong katawan ko ang sakit. Lahat ata sa 'kin masakit. Pagtayo ko medyo nanginig pa 'ko, kasi parang sobrang lamig. Dahil sa lamig iniyakap ko 'yung braso ko sa sarili ko, ar naramdaman ko na parang balat sa balat ang naglapat. Napatingin ako sa baba at napasigaw ako dahil wala akong damit.

WALA AKONG DAMIT!

Bigla akong napalingon nang may marinig akong mahinang ungol at hindi ko alam kung anong gagawin para matakpan ang hubad kong katawan, kaya bigla na lang akong umupo sa sahig at unti-unting sinilip 'yung lalaking nakahiga sa kama na hindi man lang nagising sa ginawa kong pagsigaw kanina.

Magandang lalaki siya, at ang ganda rin ng katawan niya. Pero sino ba 'yun? Ano bang nangyari? Bakit wala akong damit? Oo nga pala wala akong damit! Nasaan ba 'yung damit ko?

Para matakpan 'yung katawan ko, dahan-dahan kong hinatak 'yung kumot na nakapatong doon sa lalaki sa kama. Mukhang tulog na tulog siya kasi hindi niya naramdaman 'yung paghatak ko sa kumot.

"Konti na lang, konting hatak na lang," sabi ko sa sarili ko. Nang mahatak ko na 'yung buong kumot, muntik na 'kong mapasigaw ulit sa nakita ko. Nakadapa kasi siya at 'yung.. 'yung.. 'yung puwet niya nakalabas!

WALA DIN SIYANG DAMIT TULAD KO!

Aaahhh! Ano ba talagang nangyari?!

Ibinalot ko 'yung kumot sa sarili ko at umupo ulit sa sahig. Pilit kong inisip at inalala kung ano'ng nangyari kagabi. Naalala ko sina Leighla.

"Tama, nahuli ko si Leighla na may kahalikan. Boyfriend daw niya 'yun tapos pinagtawananan nila ako. Nakakadiri raw ako. Tapos pumasok ako sa kwartong 'to." Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko 'yung mga bote ng alak na halos wala nang laman. "Naalala ko, uminom ako. Naglasing. May kainuman ako. 'Yung baklang maganda." Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa mga sunod na naalala ko.

Tayo na lang, tutal babae ka na na-trap sa katawan ng lalaki, at ako naman lalaki na na-trap sa katawan ng babae. Pwede 'di ba? 'Tsaka.. Ang ganda mo..

Sinabi ko ba talaga 'yun? May nangyari ba sa 'min? Kaya ba masakit 'yung ano? Kailangan ko makasigurado! Tumayo ako at tinignan 'yung kama.

May bahid ng dugo. DUGO?! Sa 'kin ba galing 'to?! Gusto kong sumigaw, pero baka magising siya. Kailangan kong makaalis agad. Kailangan kong makalayo sa lugar na 'to! Hinanap ko agad 'yung mga damit ko. Hindi ko kayang makaharap 'tong baklang 'to! Ano ba kasing kahibangan 'yung ginawa ko! Naiinis ako sa sarili ko.

Buti na lang nasa sahig lang 'yung bra at panty ko pati pantalon ko, pero 'yung polo ko hindi ko makita. Tumingin ako sa kama, nagbabakasakaling nandoon, at tama nga ako. Nasa kama 'yung polo ko, pero dinadaganan naman nung baklang bakulaw na mantika kung matulog.

Huminga muna ako nang malalim bago ko sinubukang hatakin. Sa itaas na bahagi ng katawan niya lang ako nakatingin, dahil ayokong tignan 'yung matambok niyang puwet. Sinabi ko bang matambok? Tss! Dinescribe ko pa talaga!

Mahina lang ang paghatak ko dahil baka magising siya, pero walang nagawa 'yung paghatak ko dahil ang bigat niya. Nilakasan ko nang konti 'yung puwersa ng paghatak ko, pero dahil sa ginawa ko at dahil sa bigat niya, narinig ko na lang 'yung pagkapunit ng polo ko.

Ayos! Ayos na ayos talaga! Langyang bakulaw 'to. Ang bigat! Ano na ngayon ang susuotin ko?! Naihilamos ko na lang 'yung kamay ko sa mukha ko. Badtrip! Badtrip talaga!

Wala na 'kong susuotin dahil sa punit na nga 'yung polo ko. Hindi ko pa 'to makuha dahil dinadaganan nitong baklang bakulaw sa laki at bigat, kaya tinignan ko 'yung mga cabinet. Baka sakaling may makuha akong damit, pero wala! Siguro guestroom 'to kaya walang damit. Ayos 'to. Napakaswerte mo talaga Alex. Napakaswerte mo!

Panagutan Mo 'Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon