Anniversary [One-shot Story]

357 11 1
                                    

Anniversary

Dumating na yung prof namin hudyat ng pagsisimula ng klase. Kasunod niya ang isang babae na ngayon ko lang nakita.

"Ok class, from now on magkakaroon na kayo ng bagong classmate..." Humarap siya dito. "Sige hija, introduce yourself."

"Hello classmates, ako nga pala si Ina Reyes..." nakangiting sabi niya. 

Nakaramdam ako ng biglang pagbilis ng pintig ng puso ko nung marinig ko yung pangalan niya. Ina Reyes, Ina Reyes... Saan ko ba narinig ang pangalang yun?

"Hi" bati niya ng di ko namamalayang nasa tabi ko na siya. Ngumiti lang ako at nagulat na rin, umupo kasi siya sa tabing upuan ko. "Dito ako uupo ah." sabi niya habang nakangiti. Bakit ba lagi siyang nakangiti? Ganun ba talaga kapag bagong lipat?

"Sige lang." at simula noon, naging magseatmates na kami.

Si Ina Reyes, masasabi kong isa lang siyang typical na babae, mabait, pala-kaibigan at matalino din. Pero minsan nawiwierduhan ako sa kanya, iba kasi yung pakikitungo niya sakin, kung mabait siya sa iba, pagdating sakin, napupunta ata sa kanya lahat ng kabaitan sa mundo.

Lagi ko ring napapansin o nararamdaman yung mga lantarang sulyap niya sakin. Pag ginagawa niya yun, nginingitian ko lang. Bukod dun, lagi rin niya akong kinakausap, kundi tungkol sa school, sa kung anu-ano lang. Hindi naman sa pagmamayabang o pag-aasume, hindi kaya may gusto siya sakin?

Isang araw nagannounce yung prof namin ng isang activity na by pair kaya pinaghanap niya kami ng magiging partner namin. Aayain ko sana yung bestfriend kong si Jelo, dahil siya naman ang madalas kong kapartner pag may ganitong activity kaya lang..."Mico, pwede kitang maging partner?" tanong ni Ina.

Hindi na ko nakatanggi, naisip ko lang na malamang wala naman siyang ibang yayayain bukod sakin dahil ako yung madalas niyang nakakausap dito.

Pagkatapos iexplain ng prof yung activity pinauwi na kami.

"May nakita akong lugar kung san natin pwedeng gawin yung activity." tapos nun hinila na niya ko palabas. Nakarating kami sa may field, may isang puno dun na malaki...

"Dito tayo gagawa, ok lang ba?" tanong niya. Hindi ako madalas pumupunta dito kaya hindi ko alam na masarap itong tambayan. Masarap din yung hangin at tahimik. " Sige dito nalang tayo."

Habang gumagawa, nagkukwentuhan din kami. Di ko sinasadyang pag-aralan siya, yung mga kilos at mga expression niya. Napansin kong madali lang siya matawa. Madaldal din siya, expressive pero hindi naman yung exagge at hindi siya nacoconcious kapag ipinapakita niya yung expressions niya. Sa sandaling panahong 'yon, pakiramdam ko kilalang kilala ko na siya.

Nung sumunod na araw, pinasa namin yung activity at kami ang nakakuha ng pinakamataas na marka. Syempre tuwang tuwa kaming dalawa ni Ina, pero nagulat ako nung bigla siya yumakap sakin.

"Yey! Mico ang galing natin!" tuwang tuwang sabi niya.

"Ah oo nga. Ang galing natin!"

"Dahil jan, magcecelebrate tayo! Libre kita ng meryenda." tapos kumindat siya. Hindi ko alam pero simula ata nung araw na yun, pakiramdam ko sumasaya ako pag masaya siya.

Nung naguwian, pumunta ulit kami dun sa may field at nagmeryenda. Syempre ako ng sumagot sa pagkain namin.

Habang kumakain. "Mico, may secret akong isheshare sayo."

"Ano yun?"

"May boyfriend ako, dito din siya nagaaral at dito din kami madalas tumatambay." nagulat ako. May boyfriend pala siya, mamaya may makakita samin na kakilala niya at sabihin na nagtwo two time siya. At ako, wala akong balak maging third party.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anniversary [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon