MALANDI KASI SIYA. (One shot)

1K 19 10
                                    

  Naniniwala ba kayo na gagawa ang pag-ibig ng kahit anong paraan mapagtagpo lang kayo?

Ako kasi hindi

pero noon 'yon. 

Dahil Ngayon, Napabago niya ang paniniwala ko.

-------

  Hello!  Ako si Sarah. 16 years old. Kagagraduate ko lang ng high school nung isang araw. :D

Napadpad ako dito sa wattpad dahil gusto ko lang i-share ang kwento ko :) 

Pero ang totoo, napadpad lang ako dito dahil sa imahinasyon ng otor ko. Hahaha.

From: Babe'Zack

Babe tulog ka na, wag ka na magpuyat! I love you! Mwa :*

Napangiti ako nung nabasa ko yung text niya. Eh kinikilig ako eh! Bakit ba?! :"">

Katext ko nga pala si Zack! Actually, kanina pa eh xD

To: Babe'Zack

Osige babe. Ikaw din ah! I love you too! :**

Ano ko siya? Hmm..

Hindi ko siya boyfriend.

 MAGKALANDIAN LANG KAMI. Haha XD

 'Yan uso ngayon eh. At saka wala kasi akong magawa sa buhay. ANG BORING! Edi hanap na lang din ng pampalipas oras para hindi maramdaman ang boredom diba? :D

Nakilala ko si Zack sa isang Text Clan. Natripan ko sumali kasi yung kaibigan ko napansin ko laging may katext nung may clan siya! Edi ako naman 'tong sampu lang yata ang nasa contacts, Jumoin! Dumami din katext pati na din katawagan ko. Kasama dun si Zack. 

Taga Makati si Zack, tapos ako dito lang sa probinsya. So pag naging kami, LDR!

CHOS LANG! Ambisyosa lang ako :D

Oo ambisyosa ako. -_____- Ambisyosa ako pagdating sa kanya.

  MAHAL KO KASI SIYA.

 MALANDI KASI SIYA KAYA NA'FALL AKO.

 Noon, hindi ako naniniwala sa mga na-iinlove sa text. Sinabi ko pang IMPOSIBLE 'YON. Sa text lang, maiinlove agad?!

 AYON, Kinain ko yung mga sinabi ko. 

Nalaman ko tuloy na ang pag-ibig, Gagawa at gagawa ng paraan kahit text pa yan.

 Bakit kasi ang sweet masyado ni Zack? Ang landi niya! Nahulog na tuloy ako. Mahal ko nga siya pero siya alam kong PURONG LANDI lang yon. Wala lang din siyang magawa sa buhay tulad ko. :(

  Nakaka-inlove kasi yung may mababasa ka paggising mo "Good Morning babe :*" tapos laging magtatanong na "Kumain ka na ba?" tapos kapag "Hindi." ang sagot mo, magagalit siya tapos pipilitin kang kumain at sasabihan ka nang "Ayoko kasing nalilipasan ka ng gutom. Baka magkasakit ka :("  Yung sa text feel na feel mong concern siya. Ramdam mo na mahal ka niya. Parang boyfriend sa pagiging possesive.

Paanong hindi ako mafa'fall?

 Pero nalaman ko na lang, Kalandian niya din yung kaibigan ko. Ang sakit ka nun!

 Lagi nya ding katext. Yung concern na pinaparamdam niya sakin, ganun din yung sa kaibigan ko. Yung hindi yung ako lang para sa kanya! MAY IBA PA.

  Pero sino nga ba ako para magselos? Hindi ko naman siya pwede pagbawalan. Wala naman kasing KAMI. WALA AKONG PINANGHAHAWAKAN SA KANYA. Sadyang malandi siya. Nilandi niya lang ako tapos ako 'tong si loka pinatulan. Tapos pano niya ko mamahalin?! E diba nga napakalayo namin sa isa't isa! Ako lang naman si TANGA na nagmahal sa kanya. :(

MALANDI KASI SIYA. (One shot)Where stories live. Discover now