Ikaw at Ako

117 5 0
                                    

Tama nga, Sadyang kay bilis ng paglipas ng panahon.

Ang mga dahon ay nalalagas at walang kulay ang hindi kumupas.

Ngunit sa mundo'y may isang bagay na hindi kailanman papanaw.

Iyon ay ang pagibig, Ang mga alaala nitong tagumpay ng kasiyahan, kalungkutan at nating dalawa.

Siguro'y nga'y maaring kitilin ng kamatayan ang pagibig.

Maaring hadlangan ng mga dagat at bundok

Ngunit hindi kailanman ang dalawang pusong nagiibigan, hindi kailanman.

Ito ang pagibig ko na para lamang sa iyo

Isang pagibig na nagmula sa kaibuturan ng aking puso.

Hindi man ito ang tamang panahon o ang tamang pagkakataon

Alam kong isang araw, ang pagsintang handog mo ay mapapantayan o mahihigitan ko.

Naiintindihan ko isa ka lamang taong sabik sa pagibig ko.

Ngunit, patawad. Sapagkat hindi pa ito ang oras para maging tayo.

Hayaan mo, bukas, o sa makalawa o kahit kailan

Ay darating ang panahong wala ng magiging dahilan ang mundo upang paghiwalayin tayo.

Sa oras na 'yon, natitiyak kong magiging maligaya tayo.

IKAW at AKO.

Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now