WANDEE 11

750 5 0
                                    

This work is a fanfiction, any resemblance of the Characters , place and series of events is coincidental. if you don't like this genre, you can stop reading. thank you.

For the record, we are halfway through this book, and I'm sorry if you read any grammatical errors. i hope i can surpass or exceed my previous works here and reach 50k reads. manifesting! my one of mantra this year.

Selfie muna Dr. Wandee and yoyak!

Happy Reading!

Follow me on my account @Jamesvince.

__________________________________________________________________


Chapter 11

Word Count: 4777




(Wandee POV)


Nanalo si Ryu Sun-jae sa pamamagitan ng knockout sa unang round.

I bite my lips and pressed pause on the boxing match replay on my tablet, tapos nilagay ko sa glass table sa harap ko. Gulong-gulo ang utak ko nang makita ko si Yak, hindi ako makapaniwala, He was defeated by knockout in the first round. Nasasaktan ako nang makita ko si Sunjae na paulit-ulit siyang sinusuntok. Bakit hindi lumaban si Yak?

I'm not really into boxing, pero kapag naiisip ko si Yak, gusto kong manood ng replays ng mga laban niya. Alam ko na siya ay isang extreme fighter at walang inuurungan na laban, ngunit sa pagkakataong ito ito ay iba. Hindi naman sa hindi niya kayang lumaban, pero parang hina hayaan lang niya ito.

May sakit ba siya? Nasaan na yung magaling na si daisy para alagaan siya? Nag-isip ako ng mabuti, braincells gumana kayo please. Ilang buwan na itong ganito, kung saan isang tao lang ang gumugulo sa isip ko...si yeoyak.

Sino ang nagsabi na ' time will heals? kasinungalingan yan. Kahit na noong nagbakasyon ako ng dalawang linggo sa palawan, ay nandito parin siya sa puso at isipan ko.

I miss yeoyak... I miss him so much.

The camera focus on the winning guy, sunjae , nahagip ng camera si mark habang umiiyak. Binuhat ni oye at sinakay si yak sa likod saka lumapit ang ibang staff ni Oye. Lumapit din ang medical team at ang ibang media. Tuminigin ako at binato ng popcorn ang ipad. Nag flash kasi ang mukha nung koreano. Ito ang dapat na malubhang nasugatan mula sa labanan...hindi si yak. Iniisip ko kung bibisitahin ko ba siya, pero bago ako makapagdesisyon ay bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Tinaas ko ang isang kilay na nagtatanong. Ang taong pumasok at bumasag sa mapang-aping katahimikan ay isang nurse na kilalang-kilala ko.

"May urgent case ba?"

"No, there's someone here who want to see you.. Nakita kong kanina pa tapos ang duty pero hindi pa rin lumalabas sa kwarto mo. Kaya pumunta ako para tingnan kung may problema ba."

"Kamag-anak ng pasyente?"

"Hindi, sabi niya kapatid siya ni yeoyak."

"huh! O sige. Lalabas na agad ako."napalunok agad ako, kunwari hindi ako nagulat na lumapit si Oye sa akin, pero hinawakan ng mga kamay ko ang mga personal kong gamit at inilagay sa bag ko, kasama ang labis na curiosity kung bakit pumunta si Oye sa akin.

Hindi nagtagal, hinarap ko ang may-ari ng T Royal Boxing Gym. Hindi talaga bagay sa atmosphere sa loob ng ospital ang kanyang matigas na tingin. Iniyuko ko ang ulo ko sa kanya sabay lakad palapit sa kanya, at ngumiti lang kay mark nang mapansin kong sumama siya kay Oye.

WANDEE GOODDAY [ TAG/ENG ] COMPLETEDWhere stories live. Discover now