Kabanata 15

167 15 25
                                    

Matapos ang ilang minutong liwanag,kadiliman naman ang pumalit sa aking paningin. Napabalikwas ako ng bangon at humangos na tila lunod na lunod.

Konkretong mga pader,modernong mga kagamitan at. . . . . nasa hospital ako?. Naguguluhan akong tumingin sa paligid maging sa aking katawan,bumagsak na talaga ang aking kalusugan.

Patingin ko sa kaliwang parte ng aking higaan ay nakita ko ang aking libro. Masakit man ang aking katawan ay agad ko itong kinuha.

Marahas kong binuksan ang bawat pahina "nabago ba?! Nabago ba?!" Tanong ko sa aking sarili habang lumuluha. May nakita naman akong isang sulat na may kalakip na maliit na papel.

Remedios

Pasalamat ka at ako'y naawa pa sa iyo. Ito ang sulat na pinunit ng iyong minamahal,aking itong muling inayos,basahin mo na lamang at gawin mo bilang ala-ala.

Binuklat ko ang sulat,at ito'y nakasulat hindi sa wikang Espanyol kung hindi sa malalim na tagalog.

Minamahal kong Historia

Patawad,kung hindi ko kayang suklian ang buong buhay mong pagmamahal at mga paghihirap na iyong tiniis para lamang sa akin. Nais kong sabihin na simula una pa lamang ay alam ko na ang lahat,at dahil duon ay lalo kitang minahal. Sa iyong angking ganda at tapang,sinong hindi ka mamahalin ng lubusan?. Ika'y wag ding mangamba,na kung sa pag-alis mo'y lilimutin na kita,dahil hanggang sa aking huling paghinga,ikaw lamang ang tinitibok ng aking puso at siguro'y naramdaman mo na iyon sa hindi ko tangkang pagbabago ng aking kapalaran,dahil ang tunay na pagmamahal ay nagbibigay ng kalayaan. Lagi mong tandaan na kahit saang panahon at siglo ka man nanggaling,ikaw pa din ang aking mamahalin.At ako'y humihiling na sana sa tamang panahon,magtagpo na ang kapalaran natin.

Lubos na nagmamahal,
Padre Jose Burgos.
(Cedrick Juan)

==

A/N: There's some scenes and lines that came from the 2023 film GOMBURZA,and I chose to change some of the lines to respect the film,thank you.

Pebrero 15,1872

"Kasalanan mo ito!,kung hindi ka bumisita sa aking bahay wala sana ako rito!" Paninisi sa akin ni Padre Zamora. Naiintindihan ko ang kaniyang galit at pagkainis lalo na't kami'y nahatulan na ng kamatayan ngayon sa pamamagitan ng garote.

Hindi na kagulat-gulat,dahil alam ko naman na.

Hindi lamang katanggap-tanggap na kami'y mamamatay sa ganito ka-brutal na paraan. Hindi namin naipagtanggol ang aming mga sarili dahil ni-abugado ay wala kami. Maging ang paglilitis ay minadali kaya kahit sila'y walang sapat na ebidensya,kami'y nahatulan.

Malumanay akong napaupo sa isang bangkuan at duon na lamang nagmukmok. Lubos na nakapanghihina ang mga pangyayari,ngunit nakasisigurado naman ako na ang aming kamatayan ay hindi masasayang.

"Si Historia,nais ko siyang makita,kahit sa huling sandali" rinig kong pagmumumok ni Padre Zamora sa isang sulok. Dahil sa kaniyang kalagayan,nasabi kong maswerte pa ako.

Hindi man pormal ngunit nakita ko sa huling pagkakataon si Historia,ngunit siya,ni-wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari, maging Kay Historia o sa aming pinaglalaban.

Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now