Kabanata 13 (Edited)

203 10 24
                                    

5

Pagpapatuloy. . . . .


Padre Jose Burgos
(Cedrick Juan)






"Maaari ka ng humarap" Sambit ko kay Historia,unti-unti naman itong humarap sa akin ng biglang kumulog dahilan upang magulat ito at tumakbo sa isang sulok




"ahh! ayoko pang mamatay,maaawa kayo!" sambit nito na tila takot na takot at nakatakip ang mga tenga. Kung maaari ko lang sana siyang yakapin,ngunit ang kapalit naman nito'y ang kaniyang pagkakasakit.


"hindi ka papatayin ng kulog,alam kasi ng Diyos na mabait kang tao. Ayaw niyang mamatay ka ng napaka-brutal" pagpapalubag ko ng kaniyang loob.


"hindi naman ganon yon eh!" Rinig kong sambit nito na tila papaiyak na. Siguro'y hindi nga totoo iyon.



"Padre,natatakot ako. Paano pag lalong lumakas ang kulog tapos tinamaan ako?!" Natataranta nitong tanong sa akin. Lumapit ako rito at akin siyang pinantayan.


"hindi ka matatamaan,dahil hangga't naririto ako sa iyong tabi, ako ang iyong pananggalang sa mga bagay na makapananakit sa iyo,naiintindihan mo?" Kalmado kong sambit sa kaniya.


May pag-aalinlangan man ay tumango ito. "mabuti yan,iyan lamang ang isipin mo ha?" Sambit ko at hinalikan siya sa noo. 


Nagbalot naman ako ng aking mga kamay gamit ang telang aking nakita sa kaniyang mesa. Nais ko siyang yakapin,nais kong maramdaman ang presensya ng kaniyang katawan.


"sulitin na natin ito,mahal ko" bulong ko na sa tingin ko'y hindi naman niya narinig.  


"inaantok na ako" sambit nito sa tila pagod na tono. Tumango naman ako at inaya na siya papuntang kwarto. 

"hindi ba't kaarawan mo sa susunod na araw?" Sa lalim ng gabi at sa kaniyang antok,nakuha niya pa talaga akong tanungin at kausapin.



"oo,ngunit ako'y wala namang plano. Sapat na sa akin na ako'y humihinga at may komportableng pamumuhay" paliwanag ko sa kaniya. 



"totoo ba? wala ka talagang plano?"tanong nito muli sa akin. Mahina ko namang tinapik ang kaniyang ulo at muling nagwika.


"wala nga,kaya't magpahinga kana"  Sambit ko dito at bahagyan ngumiti. Pumikit naman na ang mga mata nito at matapos ang ilang minuto'y ramdam ko ng ito'y tulog na.


Kinuha ko ang aking lalagyanan at kinuha ang librong 'Gomburza'. Inilapag ko na ito sa kaniyang mesa at may kinuha muli ako sa aking pakete. Isang sulat.



Para sa aking minamahal,Ria.



Inilagay ko ito sa pahinang hindi niya basta-basta mabubuklat. Nais kong mabasa niya ito kapag siya'y wala na rito. Hindi para saktan siya ngunit para paalalahanan siyang magpatuloy ng WALA AKO.

==



Historia

Nagising ako ngunit siya'y wala na sa aking tabi. Tumingin ako sa mesa at nakita ang aking librong ilang linggo ko yatang hindi nakita.Hindi ko naman kasi hinanap dahil iniisip kong andito lang naman sa loob ng bahay.




Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now