Kabanata 12

226 15 24
                                    

6




Kasunduan








Padre Jose Burgos
(Cedrick Juan)







"Dito ba ang bahay ni Remedios Villafuerte?" Tanong ko sa isang taong papadaan sana. Tumango ito at nagwika.





"opo,Padre. Madalas nga lang pong wala siya diyan ngunit tingnan niyo pa din,baka naabutan niyo" Tumango ako at nagpasalamat.






Bumuntong hininga ako at kumatok sa pinto ng bahay. "Sandali lamang!" Rinig kong hiyaw nito mula sa loob. Ako naman ay umayos ng tayo at naghintay sa pagbukas ng pinto.





"Ma-oh magandang araw,Padre. Nagkamali ka yata ng tinungong bahay,hindi dito nakatira si Historia" Napangiti naman ako sa kaniyang biro.




"hindi,ikaw talaga ang aking pakay" Sambit ko naman. Kita ko naman ang pagtataka sa ekspresyon nito.






"at ano naman ang pakay sa akin ng isang paring tulad mo?,isang hiling?" Tanong nito sa akin sabay taas ng kaniyang kilay,ako naman ay hindi agad nakapagsalita dahil. . . . . tama siya.





"isa kang magaling na manghuhula binibini dahil,tama ka. Kung ikaw lang naman ay papayag ,wala naman akong balak na pilitin o harasin ka" Sambit ko rito dala-dala ang aking ngiti.





"kung gayon,mukang napaka pribado ng hiling na nais mo,pumasok muna tayo sa loob" Huling sambit niya bago ako pinapasok sa kaniyang tahanan.





Ang loob ng kaniyang tahanan ay hindi nalalayo sa aking tahanan,magkaparehas ng laki at disenyo. "Ano ang hiling mo?" Tanong nito,napatigil naman ako sa pag tingin sa kabuuan ng bahay.





"tungkol sana kay Historia" determinado kong sambit,napakunot naman ang kaniyang noo at umupo sa aking harapan.





"anong meron kay Historia?,baka naman labag sa pagiging pari mo ang hiling mo?,nako!hindi ko magagawa iyan" umiling-iling naman ako.





"hindi,hindi,hindi!. Ilayo mo lamang siya rito,alam ko ang katotohanan,Remedios" pagtatapat ko rito. Bahagya naman siyang napatawa sa hindi ko malamang dahilan.






"anong alam mo?" Seryoso nitong tanong. Kinuha ko ang aking dala-dalang lagayan at kinuha ang aking librong binabasa sa loob ng ilang linggo.





"ang lahat." Seryoso kong sambit sabay lapag ng librong nangngangalang 'Gomburza'.






"burara talaga ang batang iyon at talagang pinarating pa sa iyo ang librong iyan" matawa-tawa niya pang sambit. Ako naman ay seryoso pa din na nakatingin sa kaniya.






"hindi ka natatakot?gayon nabasa mo na ang kabuuan ng libro" sambit nito sa normal na tono,umiling ako ng buong tapang.




"hindi,ngayon pinapakiusap ko sa iyo. Kung saan mang galing kayong panahon,ibalik mo na siya. Narinig ko ang inyong usapan,ika'y kaniyang guro" ngumisi naman ito sa akin.






"bakit?ayaw mo bang makita kung paano niya baguhin ang kapalaran mo?niyo?" Napahilamos naman ako sa aking muka at napahawi sa aking buhok.




"hindi niya maaaring baguhin ang aming kapalaran,ang inyong panahon ang maaapektuhan,siya ang maaaring mawalan ng kalayaan!" Inis ko ng sambit. Hindi ko alam na susubukan pala niyang baguhin ang aming kapalaran!,peste!.





Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now