Kabanata 1

13 1 0
                                    

Kabanata Isa

1884.
Huling mga araw ng Oktubre. Dalawang araw na ang nakakaraan nang makauwi na mula sa malayong bansa sa Europa si Juan Crisostomo Ibarra. Napauwi agad siya mula nang mabalitaan niyang namatay ang kanyang ama. Marami siyang dapat asikasuhin. Pero nitong tanghali ay nakatanggap siya ng paanyaya na magkakaroon ng isang salo-salo sa tahanan ng mga de los Santos sa pangunguna ni Kapitan Tiago na ama ng kanyang minamahal na si Maria Clara. Nagluluksa man sa pagkamatay ng ama ay hindi maikakaila na sabik na rin siyang makita ang kanyang nobya. Halos pitong taon din yata siyang nawala sa bansang Pilipinas para mag-aral sa Espanya.

Nang sulyapan ni Crisostomo ang orasan sa dingding ay nabatid niyang malapit nang mag-alas sais na ng hapon. Kinse minutos na lang ay eksaktong ika-anim na ng gabi. Ganap na alas sais ng gabi ang pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago. Nagsimulang gumayak si Crisostomo. Isang itim na kasuotan ang kanyang sinuot. Nang mapagtanto niyang maayos na ang kanyang pananamit ay nanaog na siya sa labas ng bahay. Nang may mapadaan na isang kalesa sa tapat ng kanyang bahay ay nagpasya na siyang sumakay patungo sa bahay ng mga de los Santos.

"Saan po tayo patungo, Senior?" ang tanong ng mamang kutsero sa binata.

"Sa bahay ni Kapitan Tiago sa may Kalye Anloague na karatig ng Ilog Binundok." sabi ni Crisostomo.

"Masusunod, senior." sabi ng mamang kutsero na nagsimulang paandarin ang kalesa.

Sa kahabaan ng kalyeng binabagtas ng kalesa ay biglang may papatawid na pusang itim. Nataranta ang mamang kutsero nang makita ang pusang itim.

"Iwasan mo, manong." utos ni Crisostomo sa kutsero nang makitang masasagasaan na ang pusang itim.

"H-Hindi ko ho mapigilan, Senior. Mabubunggo po tayo sa pusang itim!" Pilit na hinihila ng mamang kutsero ang tali ng kabayo pero tila mayroong malakas na puwersang pumipigil rito. Tumulong na si Crisostomo sa paghila ng tali sa kabayo. Pero huli na ang lahat dahil pasalpok na sila sa pusang itim.

***

"A-Ano bang nangyari?" sapo-sapo ni Crisostomo ang ulo nang pagbalikan ng malay. "Nasaan tayo, mamang kutsero?"

Walang sumasagot sa kanyang tanong. Natagpuan na lamang niya ang sarili na halos nakahandusay siya sa semento. Pinilit niyang tumayo kahit nananakit ang kanyang buong katawan dahil sa aksidenteng nangyari. Iginala niya ang paningin sa hindi nakikilalang lugar. Luminga-linga siya sa paligid. Pilit na hinahanap niya ng tanaw ang mamang kutsero at ang sinasakyang karitela. Pero hindi niya makita ang mga ito. Ang tanging nakita niya lamang ay nasa tabi niya ang isang pusang itim na pamilyar sa kanya. Ang pusang mabubunggo nila. Pero heto ngayon ang pusa, walang galos at mukhang maayos.

"Nasaan ako?" ang tanong ni Crisostomo na iginagala ang mata sa buong paligid. Nasa isang malawak na parte siya ng kalye na halos walang katao-tao. Napatingin siya sa kanyang suot na relo sa braso. Nakahinto ang oras sa pang-anim na numero.

"Alas sais na! Pero hindi naman tumatakbo ang oras sa aking relo. Nasira ba ito?" Nagtataka man ay kinatok ni Crisostomo ang salamin ng kanyang relo. Nang mabatid na nakahinto ang oras ay muling iginala niya ang paningin sa paligid.

"Nasa Anloague na ba ako? Pero bakit tila nagbago ang kapaligiran? Puro mga batong pader ang nakikita ko. Ang kalsada ay pawang mga semento na. Pati ang mga poste ng ilawan ay kakaiba ang disenyo? Ni isa ay wala akong makitang mga guwardiya sibil sa paligid? Nasaan na ba ako? Maynila pa rin ba ito? Nasa Pilipinas pa rin ba ako? Hindi naman ito, bansang Espanya o Italya man."

Dinampot ni Crisostomo ang pusang kanina pa umiikot sa kanyang mga binti. Tila naglalambing ang pusang itim sa kanya.

"Halika ngang pusa ka." Dalawang kamay na dinampot ni Crisostomo ang pusa sa semento. Inilapit niya ang pusa sa kanyang mukha. Tumingin siya sa mga mata1 ng pusa. "Bakit ikaw lang ang nandito? Nasaan ang sinasakyan kong kalesa at ang mamang kutsero?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Iniibig Kita,, Marie Claire Where stories live. Discover now