Chapter Six: Welcome to Manila

40 18 22
                                    

*****

Ipinikit ko ang aking mga mata upang damhin ang malamig na simoy ng hangin na siyang sumalubong sa akin pagkababa ko ng bus.

Wala pa ngang ilang minuto akong nakakaapak dito sa Cubao terminal ay parang gusto ko na ulit umuwi. Mas gusto ko pa rin sa probinsya namin. Doon ay tahimik, sariwa ang hangin, at higit sa lahat naroon sina lola at Raven. Kung nahahati lang talaga ang katawan ko at kung nakakalipad lang ako tuwing gabi ay malamang lumilipad na ako ngayon pabalik sa probinsya namin. Kaso sayang, pinanganak lang akong maganda at hindi manananggal.

"𝗦𝗮𝗮𝗻 𝗸𝗮𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻 𝗯𝗮𝗯𝗮𝗲𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗮𝘇𝗼𝗻𝗮?" nakabalik lang ako sa wisyo nang makarinig ako ng nakakairitang tinig mula sa aking likuran.

Pagharap ko ay bumungad sa akin ang pagmumukha nung mayabang na lalaki kanina. Wala na siyang suot na sumbrelo kung kaya't kitang-kita ko na ng buo ang pagmumukha niya. 𝘗𝘰𝘨𝘪 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘭𝘢.

"𝗦𝗮 𝗶𝗺𝗽𝘆𝗲𝗿𝗻𝗼, 𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗸𝗮?" pilosopo kong sagot rito.

Napakamot na lang sa kanyang ulo yung lalaking mayabang. Kapag talaga ako kausap mo, asa ka pang makakuha ka ng matinong sagot mula sa akin.

Eksakto namang napandaan sa gilid namin yung poging lalaki. Yung nakasabay din namin kanina sa bus, yung nagbigay ng 50k sa magnanakaw. 𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘭𝘭 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘮𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘸.

"𝗞𝗼𝗻𝘁𝗶 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 '𝗱𝗿𝗲 𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼." bulong niya rito ngunit rinig ko naman. Wala sa sariling napairap na lang ako sa kawalan dahil sa pagiging feeling close niya doon sa lalaki.

"𝗗𝗶𝗱 𝘆𝗼𝘂 𝗮𝗹𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝗰𝗮𝗹𝗹 𝗵𝗶𝗺?" biglang nagsalita yung poging lalaki at huminto sa gilid namin habang nakasuksok yung isang kamay sa bulsa ng suot niyang faded jeans at abala sa pagtipa sa hawak niyang cellphone.

Napakunot-noo naman ako, nagtataka kung sino ba yung kausap nito. Ako ba? Tinatanong niya ba ako kung natawagan ko na ba yung susundo sa akin? Pero paano niya naman nalaman yun eh hindi naman kami magkakilala saka hindi ko naman yun nasabi sa kanya kanina. Saka isa pa hindi nga kami nagkausap sa byahe. Etong mayabang lang naman ang nakausap ko, este nakaaway pala habang nasa byahe. Baka nga ako yung tinatanong niya 'no? Nakakahiya naman kung hindi ko sasagutin baka isipin niya ang snob ko.

"𝗔𝗵, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗶𝗻𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗮𝗰𝘁 𝗻𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗻 𝗶𝗻 𝗯𝗹𝗮𝗰𝗸, 𝘀𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝘄 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 𝗻𝗮 𝘆𝘂𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝘆𝘂𝗻 𝗱𝗮𝘄 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗱𝗼 𝘀𝗮 '𝗸𝗶𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗶𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗽𝗮𝗻𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮. 𝗞𝗮𝘀𝗼...𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗵𝗼𝗻𝗲 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗹𝗮 𝗵𝗲𝗵𝗲 𝗽𝗲𝗿𝗼 '𝗱𝗶 𝗯𝗮𝗹𝗲 𝗺𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗹𝗲𝗽𝗵𝗼𝗻𝗲 𝗯𝗼𝗼𝘁𝗵 𝗱'𝘆𝗮𝗻. 𝗦𝘂𝗿𝗲 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗲𝗹𝗲𝗽𝗵𝗼𝗻𝗲 𝗯𝗼𝗼𝘁𝗵 𝗱'𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗯𝗶-𝘁𝗮𝗯𝗶. 𝗗𝗼'𝗻 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴." dire-diretso kong sagot sa kanya.

SKY CASTLE (Ongoing) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ