Kabanata 8

193 17 8
                                    


Pag-Iwas


Historia


Araw ng Linggo,napagpasiyahan kong magsimba. Hindi ko nais masilayan ni-katiting ng kanilang mga anino. At sanay hindi din nila ako makita.

Kahit medyo hindi ako komportableng magsuot ng alampay ay wala naman akong magagawa, dapat masanay na ako rito dahil wala pa namang bakas ng pagbalik ko sa aking panahon.

Ng makarating ako sa simbahan ay marami ng tao,sunod lamang sa aking plano. Kung naririto man sila'y hindi na nila ako mapapansin.

Ngunit sa kasamaang palad,okupado na lahat ng upuan sa likuran,wala akong magawa kung hindi maupo sa medyo harapan.

Nagsimula na ang misa,at hindi nga ako nagkamali,naririto nga sila. Walang emsyon sa mga muka,mga blanko.

Nahuli ng aking paningin at pagtitig ni Padre Burgos,ngunit kakaiba na ang kaniyang pagtingin. Blanko na,wala ng halong. . . . . . . pagmamahal.

Tama yan,para sa ikabubuti nating lahat.

Umiwas din ito ng tingin na parang wala lang.Mapait akong napangiti 'nasaktan ako sa sarili kong desisyon,puta' sambit ko sa aking isip.

Pamaya-maya'y dumaan si Padre Zamora sa mismong gilid ko na imposible namang hindi niya ako mapansin,pero dinaanan niya lamang ako na tila hangin.

Binabati at ngiingitian nila ang lahat ng tao ngunit ako,ginagawa lamang nila akong walang saysay rito.

Sa aking paglayo,kasabay din nito ang paglayo sa akin ng kanilang mga puso.







==






Padre Jose Burgos
(Cedrick Juan)




Noong napansin kong sa iba na ang kaniyang tingin,dun lamang ako nagkaroon ng tyansang tingnan siya ng matagal,napakaganda talaga niya.


Ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa kaniyang mga mata. Lahat kami'y nahihirapan sa aming sitwasyon ngunit wala naman kaming pagpipilian.

Kita kong nilapitan ni Paciano si Historia,lalapitan ko sana upang pigilan ngunit wala nga pala akong karapatan.Wala namang kami.

"Aba't talagang-" Rinig kong sambit ni Padre Zamora at tangkang susugudin ang dalawa ngunit pinigilan ko ito.

"Ano ba kayo ni Historia?" Sambit ko dito dahilan upang matahimik siya.

"Wala"

"Alam mo naman pala eh,wala kang karapatan maging ako man,kaya kung iibig man siya sa iba,wala na tayong magagawa." Pagpapaliwanag ko dito,kita ko naman ang galit sa kaniyang ekspresyon.

"Sa ngayon mas nakalalamang si Paciano dahil kaya niyang ibigay ang buong buhay ni para kay Historia" Dugtong ko pa.

Iniwanan ako nito,dahil siguro sa aking winika. Ngunit pawang katotohanan lang naman ang aking sinabi.





==



Historia

"Gusto mo bang magpakuha ng litrato mamaya?,magpapakuha kasi kami ng litrato mamaya ni Felipe"  Sambit ni Paciano sa akin,napaisip naman ako,ang tagal ko ng naririto ngunit wala pa naman akong litrato.


Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now