Kabanata 7

183 17 12
                                    

Bakit Kailangan Pang Lumisan?









Historia





"Kamusta ang araw mo?,ano't gusto mo akong makausap?" Tanong ni Padre Zamora sa akin. Gusto ko din siyang makausap at nandito kami ngayon kung saan din kami nag-usap ni Padre Burgos.



Parehas na oras,parehas na upuan at parehas ding pari na napamahal na din sa akin ang kausap ko ngayon. Parang nag deja vu lang.





"Kamusta ang paglilingkod mo sa simabahan?" Panimula ko,tumingin naman ito sa akin bago nagwika.


"Tulad lamang din ng dati,ayos lang naman. Ano naman at naitanong mo?" Tumango-tango ako. Hanggat-maari ay iniiwasan kong sagutin ang kaniyang mga katanungan.


"Sandali nga,Historia. Bakit ba ayaw mong sagutin ang aking mga katanungan?" Sambit nito na mag kaunting pagkainis. Pagod siguro talaga siya.




"Ipagpatuloy mo lang ang paglilingkod mo sa Diyos ha?. Lagi kang mag-iingat at huwag mong pababayaan ang iyong sarili" Sambit ko na tila nagbibilin.



"Ano't sinasabi mo ang mga katagang iyan?ika'y ba'y lilisan?" Ma-awtoridad nitong tanong. Napayuko naman ako napabuntong hininga.




"Kailangan" Malumanay kong sambit at nagkusa ng hawakan ang kaniyang kamay. Ako'y lilisan na,siguro'y dapat ko ng iparamdam ang mga ginagawa niya sa akin.


"hindi!bakit?!" mahina itong sumigaw at hinila ang kaniyang kamay mula sa aking pagkakahawak.




"Basta!,huwag mo ng alamin!" Iritable kong sambit sa kaniya. Ramdam ko ang kaniyang galit,nakakapanibago. Hindi ako sanay sa ganito.





"Historia,ibibigay ko ang lahat. Isusuko ko ang lahat para sa iyo!,huwag mo lamang akong lilisanin" Pagmamakaawa nito.Umiling ako at nagwika.





"Iyan ang problema,ang puso mong kayang pagtaksilan ang lahat para sa akin" Malungkot kong sambit at inilagay ang aking hintuturo sa kaniyang dibdib.





"Sumosobra na ang iyong pagmamahal sa akin,hindi na normal bilang isang pari.Mula noon pa'y ramdam ko na ngunit umasa akong mawawala pa,ngunit nagkamali ako" Sambit ko sa dismayadong tono.




"Ang nararamdaman ko ba ang dahilan kung bakit ka lilisan?Kung ako ba'y hindi pari,mamahalin mo ba ako pabalik?" Napahilamos naman ako sa aking muka.Napakasakit sa ulo ng kaniyang mga katanungan!.




"Hindi ko alam,Jacinto!" Nabigla ako sa aking sinambit. Hindi ko siya binigyan ng galang! nakakainis!


"P-pasensya na,hindi ko sinasadya,Padre" nahihiya kong sambit.






"Napakabilis mo mang binigkas,ngunit ang sarap pa din para sa aking tenga. Ano kayang pakiramdam ung tawagin mo ako ng ganoon araw-araw?" May saya ngunit may lungkot din niyang sambit.





Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now