Kabanata 6

215 14 11
                                    


Paggising sa Katotohanan







Historia







Nakatunganga ako ngayon at nakatingin sa isang salamin na maaaring makita ang aking kabuuang katawan.



Napahilamos ako sa aking muka dahil sa pagkamuhi dito. "hindi dapat ako nagkakaganito" Inis kong sambit sa aking sarili.





"Hindi nararapat na mawalan ako ng kumpiyansa sa aking sarili dahil lamang sa babaeng iyon" Sambit ko at bumuntong hininga.




"Historia!,naririto ka ba?!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa akin. Napahinto ako sa aking pagmumokmok at napadungaw sa aking bintana.




Si Padre Burgos at Padre Zamora lang pala,dala ang babaeng kasa-kasama nila kanina. Lalo akong naman akong nanamlay.




Kinawayan naman ako ni Padre Zamora habang si Padre Burgos ay nginitian lamang ako. Peke naman akong ngumiti bilang pagtugon.




"Ikaw ba'y aming naabala?. Kami'y aalis din,may gusto lamang makipagkilala sa iyo" Sambit nito sa akin. Dali-dali naman akong bumaba upang pagbuksan sila ng pinto.




"Maganda araw sa inyo" Bungad ko. Nagtaka naman ako sa ekspresyon ng babaeng kanilang kasama,blanko ang ekspresyon ngunit dama mo ang mabigat nitong presensya.





Sino ba siya?




"Siya si Remedios,kami'y napagtanungan niya tungkol sayo. Ngunit alam naman naming may ginagawa kapa kaya dinala na muna namin siya sa pagtitipon"  Paliwanag ni Padre Burgos. Walang labis at walang kulang,nasagot lahat ang aking katanungan.



"Ahh,ganon pala" May hiya kong sambit. Selos pa.




"Kung inyong mamarapatin mga binibini,kami'y lilisan na" Sambit ni Padre Zamora. Nginitian ko naman silang dalawa. "Sige"





Sila'y dagliang lumisan at ako'y nakaramdam naman ng takot,takot sa babaeng pinagmamasdan ako ngayon. Direkta niya akong tiningnan at ako'y umiwas naman ng tingin.





"Pumasok tayo sa loob" Aya ko rito at pinauna siyang pumasok. Isinarado ko naman ang pinto at akin na siyang sinundan.





"Maupo ka na lamang diyan,anong gusto mo?. Tubig,tsaa o-"





"Kilala kita,Historia Gomez,galing sa isang pinakatanyag na paaralan sa Maynila. Magaling sa lahat ng paksa ngunit mahina sa Araling Panlipunan"







"Hindi mo ba ako nakikilala?"







Nagulat ako sa kaniyang sinambit,paano niya ako nakilala,sino ba siya?. "Sino ka?" Tanong ko sa matapang na boses.




"Ang iyong guro sa Araling Panlipunan,Remedios ang aking ngalan rito at matagal ko ng pinangangalagaan ang nakaraang ito"





"At hindi ko hahayaan na baguhin mo ito,dahil lamang sa pagmamahal mo sa dalawang paring iyon"







==






Padre Jose Burgos
(Cedrick Juan)





Kami' y naglalakad sa pasilyo,tahimik at walang gustong umimik. " Gaano na kayo katagal magkakilala ni Historia?" Biglaang tanong niya.





Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now