Kabanata 5

238 16 9
                                    


Sulat





Historia


Taimtim ang araw ko na ito,walang masyadong asungot o mga paring nagpapadagdag ng kasalanan ko.  May ganap kasi yata sa simbahan kaya wala silang oras para dagdagan ang kasalanan ko.



Binuksan ko ang pinto ng bahay upang lumanghap ng sariwang hangin. Totoong sariwa at hindi amoy bulok o ano pa man.



"Mawalang galang na,ikaw ba si Historia?" Tanong ng isang babae na sa tingin ko'y kasing edad ko lamang ng ito'y lumapit sa akin.



"A-ako nga,bakit?" May pagtataka kong tanong,tila ito'y nabuhayan kasi ng loob ng malamang ako ang kaniyang hinahanap.



"Diba't ikaw ang kaibigan ni Padre Burgos at Padre Zamora?" Tanong nito sa akin,hindi ko naman ito agad nasagot. Magkaibigan nga lamang ba kami? O higit pa roon?.



"t-tama ka,ako nga" Sagot ko naman ng lumipas ang ilang segundo. Ngumiti ito sa akin na tila may pananabik,may kinuha ito mula sa kaniyang bulsa.



Mga sulat?




"Ako si Visitasion,isang lihim na taga-hanga ni Padre Burgos,maaari mo bang ibigay ang aking sulat sa kaniya. Sana'y huwag mong basahin dahil ito'y naglalaman ng aking damdamin" Nagulat naman ako rito. Parang biglang nag-lag ang utak ko.




Uso na pala dati ang admirasyon sa mga may itsurang mga pari,sabagay sila'y mga tao lamang. Ako nga- ay mali.




"Huwag mo na sanang sabihin ang aking ngalan,maari ba?" Tanong nito. Tumango lamang ako at kinuha na ang kaniyang sulat.




"Hiling sana ulit,eto naman ay para sa aking kaibigan na lihim din na taga-hanga si Padre Zamora. Sana'y tulad ng aking sulat ay maipadala mo rin ito" Napaiwas naman ako ng tingin.




Alam kong kahit anong oras mula ngayon ay hindi mapipigilan ng aking mata na umirap. The audacity para agawan nila ako,biro lang.




Dadalhin ko ang kanilang sulat ng walang lukot o punit,kahit iyon naman na ang aking gustong gawin kanina pa. Hindi naman ako nagseselos,nakakainis lang dahil ako pa ang kanilang inutusan.





Muka naba akong taga-dala ng mga sulat?,may lihim-lihim pa kasi eh. Kapag mahal mo ang isang tao ipakita mo! Huwag gumaya sa akin. Biro lang ulit.




"Sige mauna na ako,Maraming salamat" Sambit nito at naglakad na papalayo. Tiningnan ko naman ang labas na parte ng sulat.




"Kaya ko ding gumawa ng ganito eh,mas maganda pa rito" pagmamayabang ko pa.






==





Ngayon ako'y nasa simbahan,anong gagawin ko?syempre magpapadala ng sulat para sa SECRET ADMIRER ng dalawang pari na laging gumugulo sa buong sistema ng utak ko.




Halos 30 minuto na ako dito ngunit hindi ko pa rin sila nakikita. Siguro nga'y marami talaga silang ginagawa. Umuwi na lang kayo ako?,pwede namang ipagpabukas ito.




Tumalikod na ako at tangkang aalis na ng may tumawag sa aking ngalan "Ria!" Sigaw nito at alam ko na agad kung sino ang tumawag sa akin.



Humarap ako at nakita ko si Padre Zamora at Padre Burgos na magkasama,tunay nga siguro silang magkaibigan,hindi lang halata.



Ako'y lumapit sa kanila "Ano't naparito ka?" Tanong ni Padre Zamora. Hinawakan ko naman ang mga kanan nilang palad at pinahawak rito ang mga sulat para sa kanila.



Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now