Kabanata 4

254 16 26
                                    


Pagpapatuloy. . .









Pag-Ibig na Lilipas Din?







Historia



"Mahal kita,matatanggap mo ba ako?"




Bumilis ang tibok ng aking puso,tila naubusan ako ng mga salita at ako'y napipi na. Aaminin kong masaya ako kapag kasama siya,sa kabilang banda ay puro sakit at kalwalhatian lamang ang aking nararamdaman kapag kasama ang tunay kong minamahal.





Sino ba ang aking pipiliin? Ano ba ang mas matimbang?. Tama ba ang pag-ibig na ito?





Mahal ako o mahal ko?



"Nabigla ka lamang,Lilipas din yan"  Sambit ko ng malumanay,malungkot naman niya akong tiningnan. Nakakalungkot na dahil sa akin,napalitan ng ganiyan kapait ang kaniyang ekspresyon.




"Natatakot ako na. . . . . . Hindi pala ako nabigla at ang aking nararamdaman ay hindi lumipas,Historia" Sambit niya at direkta akong tiningnan sa aking mga mata. Iniwasan ko naman ang mga ito.





"Hindi ba't ang bata ko para sayo?isa pa,isa kang pari. Malaking kapalastanganan sa Diyos ang iyong gagawin kapag nagkataon" Malungkot kong sambit,mapait naman siyang napangiti.





"Tama ka,bakit ba ako nangangarap ng gising. Kakaiba ka nga,isang bagay na kakaiba na kahit sino man ay hindi ka kayang makamtan" Hinawakan ko ang kaniyang balikat,tila paiyak na siya base sa kaniyang pananalita.




"Maaari naman tayong maging magkaibigan, hindi naman kita lalayuan matapos mong magtapat ng iyong pag-ibig" Pagpapalubag ko ng kaniyang loob. Hindi naman niya ako pinansin at siya'y naka-yuko lamang.





"Mamahalin pa din kita kahit gaano ka pa kalayo,aking sinta"





==






Namatay na Liwanag








Padre Jose Burgos
(Cedrick Juan)





Dahil sa nangyaring iyon ay naisipan ko na lamang magbasa-basa ng mga kailangan namin para sa aming pinaglalaban.




Kasama ko din si Padre Pelaez na nasa labas dahil may ginagawa roon.  Taimtim ang aking pagbabasa kasama ang iba kong mga kapwa pari rin.




Bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo,ngunit nagkamali ako,isa itong lindol!. "Lindol!Lindol!" Hiyaw ko na nagpaalarma sa lahat.




Daglian akong lumbas at agad hinanap si Padre Pelaez "Si Padre Pelaez?!nasaan siya!?" Tanong ko sa isang lalaki,hindi ako nito pinansin.



Napatingin naman ako sa buong kapaligiran,napakagulo. Andaming mga nasirang parte ng estrakturang ito. Andami ding pinatay at sinugatan ng mga nalagas na parte nga mga ito.




"Padre Pelaez!" Hiyaw ko habang binubuhat ang kahoy na sama-samang dumagan sa aking mentor.




Wala na siya,wala na ang aking dakilang mentor.






==





Historia



Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now