Kabanata 2

284 21 31
                                    








Bagong Kaibigan?








Nagising ako ng magtatanghali na,wala man akong telepono na pampalipas oras,ang misteryo kung bakit ako nandito ang nagpapuyat sa akin.





Hindi yata tama ang pagbato ko sa libro ng GomBurZa,nandito tuloy ako. Baka mamaya kaya ako nandito dahil ako ang magagarote dahil sa paglapastangan ko sa kanila.





Sa kapal ng mukha ko,nandito ako sa bahay ni Padre Pelaez at nakikitira,walang komisyon,walang kailangan gawin. Basta wag lang daw ako gagawa ng ikagagalit niya.





Pinagtakpan niya din ako sa maraming tao sa pamamagitan ng pagsisinungaling na ako daw ay pinsan niya. Prohibited pala kasing magsama ang boy at girl na hindi naman mag kamag-anak sa panahong 'to,so conservative.





May nakahanda na din pagkain sa hapag kainan,wala naman ako kasabay dahil wala siya dito sa bahay. Pinagbilinan niya din akong iwasan magpagabi sa daan kung mamasyal ako. Para ngang nagkainstant tatay ako dito.







"Ka-boring naman,anong oras na ba " Sambit ko at tiningan ang kabuuan ng bahay,wala naman akong makitang orasan. Kung alam ko lang na mapupunta ako dito,edi sana nag-ready ako.







Pero base sa init ng araw sa labas,siguro nasa 12:00 na ng tanghali. Sakto at wala ng masyadong tao sa labas dahil sa init ng araw. Pero actually,hindi naman masyadong mainit o sanay lang talaga ako sa weather ng Pilipinas sa present time. Palibhasa kasi compare sa present time,mas maraming puno dito.






Lumabas ako ng bahay at nag-ikot-ikot. Hindi ko naman namalayan na napalayo na pala ako. "Ano to,sugalan?" Tanong ko sa aking sarili ng makita ang isang maliit na estraktura. Napaisip naman ako kung alam ba nila yung Tongits?or lucky nine ganon. Yun lang kasi alam kong card game.






"Mapapagalitan ako kapag pumunta ako diyan,sigurado yon" Sambit ko at tumalikod na upang umuwi. Habang nakatingin ako sa aking paa na naglalakad ay nabunggo ko ang isang matipunong lalaki.





Nalaman ko iyon dahil sa kakaibang tigas ng kaniyang dibdib ng tumama ang ulo ko dito "Aray!" Hinaing ko





"Ang pera ko!,ano ba yan!" Inis na sambit ng lalaki,dahil dito ay nagpintig ang tenga ko. Aaminin kong ako ay may kasalanan,ngunit hindi manlang siya marunong magtanong kung ayos lamang ba ako?!. Present or not,mahalaga pa din talaga ang pera kaysa makipag kapwa tao,kainis!





"Pasensya na po ha,hindi ko po sinasadya,AYOS LANG PO BA KAYO?!" May diin at sarkastiko kong tanong sa kaniya,tinaasan naman niya ako ng kilay na tila tinatanong kung ano ang aking ibigsabihin.






"Ako dapat ang magtanong sayo niyang Binibini,lalo na't ikaw ay bumangga sa aking matipunong pangangatawan" Pagmamayabang pa nito,napairap naman ako ng wala sa oras.






"Ang kapal!"






"Ng alin?"






"Wala!,kung pahihintulutan mo'y ako'y lilisan na,masyadong mahangin dito,hindi ko kinakaya" Muling sarkastiko kong sambit. Akmang aalis sana ako ng bigla niya akong hatakin sa pamamagitan ng aking damit.






" Hindi ko pa pinapahintulutan ang iyong pag-alis binibini,ganiyan kaba umasta sa harap ng isang PARI?" Napaangat naman ang aking kilay. Pari at ganito siya umasta?!. Hindi naman kasi siya naka priest clothes 'e!,malay ko ba?.






Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now