20

4 1 0
                                    

Trigger Warning: Self-Harm.

Pinalis ko ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko habang nasasaktan sa mga binitawan niyang salita.

Mga katagang naging matalim na bagay na siyang sumaksak sa puso ko para masaktan ng ganito.

“Look...naawa lang ako sayo kasi mukhang walang tumatrato sayo ng tama kaya ako na ang gumawa” saad niya na siyang tuluyang kinadurog ng puso ko.

Naaawa lang pala siya?

“Nakakaawa ka kasi...hindi mo magawang umahon sa nakaraan mo”

Ano? Nakaraan?

“A-ano Wayne? Ikaw paba yan?” utal kong saad habang patuloy na tumutulo ang mga luha.

“Bakit Hail? totoo naman diba...hindi mo magawang sabihin sa Kuya mo kaya ano ngayon?”

Si Kuya...

“He's the one who suffering, and it's all because of you!” sigaw niya sakin kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko at napagbuhatan ko siya ng kamay.

“B-bakit Wayne, hiniling ko ba na kaawaan niyo ako? P*t*ng*na Alam niyong ayaw na ayaw kong kinaaawaan ako! Kahit minsan hindi ko hiniling na tulungan niyo ako kasi alam kong kayo lang ang mahihirapan sa sitwasyon ko” nangangatal ako habang patuloy na nasasaktan. ang bigat sa dibdib at ang sakit rin.

“O-oo marami akong problema...marami akong pinagdaanan at oo hindi ako m-makaahon sa nakaraan ko pero hindi ibig sabihin non k-kailangan niyo nakong kaawaan...at hindi ibig sabihin non pwede mo nakong gaguhin W-wayne” i looked in his eyes...i didn't see anything, just one emotion.

“H-hiniling ko bang tratuhin niyo ako ng ganito? hindi diba... co'z I'm always mistreated...I'm always being blamed...pagod na pagod nako”

Sobrang bigat sa dibdib isiping nagawa niyang sabihin sakin yon...nagawa niya akong saktan ng ganon kahit nangako siya sakin hindi niya ako hahayaang umiyak ulit at masaktan.

Akala ko ba poprotektahan moko? Akala ko ba Wayne ayaw mong makitang umiiyak at nasasaktan ako ng ganito pero bakit biglang ikaw na ang naging dahilan?

“H-hail” utal niyang saad habang nangangatal ang mga kamay at binalak akong hawakan pero lumayo ako.

“From now on, ayaw na kitang makita. Just please, leave.” matigas kong saad tsaka hindi na tumingin pa sakaniya.

Dahil baka 'pag humingi siya ng tawad ay maging marupok ako. Ayokong nasasaktan ng ganito.

Pinaniwalaan ko yung taong akala ko magliligtas sakin mula sa nakaraan ko, siya rin palang mananakit sakin...siya rin palang bibigo sakin.

How? How can I survive, kung palagi akong sinasaktan ng taong nasa. paligid ko?

“H-hail wait lang, h-hindi ko sinasadya” si Wayne.

Umalis ako sa harap ng taong yon, lumabas ako ng gate tutal ay lunch break narin naman...wala narin akong ganang pumasok pa.

Naglalakad ako ng may mga luha sa mata, wala akong pakealam sa mga nakakakita sakin ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako.

Umupo ako sa isang tabi...binalak kong tawagan si Wina o kaya ay si Kuya...pero naalala ko rin agad na ayoko silang masaktan sa nangyayari sakin.

Pero narinig kong tumunog ang cellphone ko...

Kuya Heil's calling...

Naman oh, pangit ng timing.

Inayos ko ang sarili at huminga ng malalim bago sinagot ang tawag.

My Favorite LessonWhere stories live. Discover now