Chapter 13 : Unforeseen Savior

0 0 0
                                    

Mix emotions covered my heart and mind. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko sa tatlo. Kung itim, siguradong papaalisin ako gaya ng lalake kanina. Kung puti naman ay di ako sigurado dahil wala pa naman akong nakitang estudyanteng nakakuha nito. Kung ang ginto naman ay maaa-

"Time is running out, hurry up guys!" sigaw ng isang lalake na naka silver cloak. Buti pa siya.

Isinawalang bahala ko na ang mga posibleng mangyari at kinuha ang tatlong bunga. Agad akong kumagat ng isa at itinago ang dalawa sa cloak ko. Sakto din na lumiwanag na at tuluyan na ngang naging abo ang puno. Gumaan naman ang dibdib ko na para bang natanggalan ng tinik.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka ngumiti.

"Maraming salamat" ngiting bulong ko habang nakatingin sa abo na tinangay ng hangin.

Maynadidismaya dahil sa nangyari, may naka kuha at mayroon ring walang nakuha. Mabilis namang pinaalis ng headmistress ang mga estudyanteng walang nakuha. Masaya naman ang ilan dahil sa nahuha nila, nagsasaya sila at nagtatawanan walang pake sa mga estudyanteng nalulungkot at nagagalit dahil walang nakuha.

Kitang-kita ko rin ang ngiting ipinaskil ng headmistress sa kanyang mukha. Sobrang saya niya. Pero maykakaiba pa rin akong nararamdaman.

How come na ganyan siya makangiti ngayun, wala man lang siyang pake sa estudyanteng walang natanggap. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o hindi. Sa itsura niya ngayun ay parang normal lang sa kanya ang mga ito.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang may tumapik sa balikat ko.

"Congratulations kiddo,rank two huh?" sabi nito habang nakangiti. Feeling close naman masyado. Nginitian ko nalang siya para di awkward saka naglakad palayo. Wala na rin siyang nagawa.

Nag anunsyo rin ulit ang headmistress na pumunta kami sa isang room kung saan kami magbre-breakfast. Nang makuha ko na ang mga pagkain ko ay agad kung inilibot ang paningin ko, naghahanap ng upuan pero malabo atang makahanap ako. Sa sobrang dami ba naman ng mga estudyante ay siguradong wala nang mauupuan.

Nag-uusap ang ilan, may nagtatawanan, may nag-iiyakan, may nalulungkot dahil wala na ang mga kaibigan nila. Overall, sobrang ingay sa loob.

Inilibot ko naman ang mga mata ko sa buong silid. Sa loob ng silid ay may iba't uri ng mga mesa at upuan. May ginto, pilak, at tanso. Mga kulay na nagrerepresenta kung anong level ka. Nasa pinaka gitna ang kulay ginto na pinagigitnaa ng pilak at tanso. Sa gilid namin ay may malaking bintana na gawa sa salamin. Sobrang laki ng room na nato at napaka ganda.

Till now hindi parin ako makapaniwala na talagang official student na talaga ako sa paaralang to. Buti nalang talaga tinulungan ako ng puno kanina. Pero kahit na ganoon, di ko rin maiwasang di malungkot, marami-rami rin kasi ang mga pangarap na hindi makakamit sa paaralang to.

Pero agad na natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang dalawang malalaking pinto. Iniluwa nito ang mga nagagandahan at nagwagwapuhang mga royalties suot ang kani-kanilang mga nagagandahang mga kasuotan. May seryoso ang mukha, may mukhang galit, at malungkot. Ang dilim naman ng mga mukha nila. Naglakad sila papunta sa pinakadulo kung saan makikita ang pinakamalaking gintong mesa na siguradong para sa kanila.

No one tries to make noise. Nakatuon lang sila lahat sa mga royalties. Nagsidatingan naman ang mga lumulutang na mga pagkain. No, hindi literal na lumulutang. May nagbubuhat sa mga ito. Agad naman lumaki ang mga mata ko. Mga maliliit na tao ang nagbubuhat nito.

Lumaki naman ang ngiti ko dahil sa tuwa. Nage-exist pala sila rito. Kamangha-mangha.

Mga pixies

The Secrets of the Veiled Enigma [ On-going ]Where stories live. Discover now