Part 21

30 7 11
                                    

"Kain na" Sabi ni Kuya na kasama si Kuya Jun at Kuya Johan na may dalang pagkain. "Dito nalang tayo kumain at puro ang babasa niyo na, magdudumi lang kayo sa loob" Dagdag ni Kuya.

"Ayan sila Kuya Johan ang mag kasalanan" Sabi ko sabay turo Kay Kuya Johan.

"Nanahimik nako dito ha! Nadadamay nanaman ako!" Sabi nito.

"Magsi tigil na kayo at umahon na kayo" Sabi ni kuya. Kaya naman umahon na kami. Tinulungan pako ni Gio na umahon.

"G*go pati ba naman sa swimming pool may langgam, iba rin  e walang pinipiling lu-"  Naputol ang sinabi nito nang batukan ito ni Gio. "Tang*na" Mura nito tsaka humarap sakin kaya pinandilatan ko ito.

Tinuro-turo lang ako nito tas pumunta na sa lamesa. Napatawa naman ako sa asal nito. Lumapit nadin ako kila kuya.

"Kain na" Sabi sakin ni Ate Carmela nginitian ko ito saka ako tumabi kay Gio.

"Kumakain ka nang talon?" Bulong na tanong nito habang umiinom ako, tumango naman ako. "I mean yung talong ko?" Bulong nito ulit sakin, agad naman ako nasamid sa sinabi niya at naginit yung pisnge ko, kaya nahampas ko ito, pero ngumiti lang ito sakin.

The f*ck bwesit ka talaga Gio.

"Nyari sayo?" Naguguluhang tanong nila Kuya.

"Wala kuya" Sabi ko.

Saka nako sumubo nang sumubo. "Huy yana! Mag dahan-dahan ka!" Gulat kong tinignan si Kuya Johan.

"Ha?" Tanong ko.

"Kako, dahan-dahan lang!" Ulit nito, kaya naman tumango ako.

Pagtapos kong kumain ay pumasok nako sa loob para maligo na, pero dipa ako nakakapasok sa Cr ay pumasok nang kwarto ko si Ate Carmela.

"A-ate, ginawa mo po dito?" Tanong ko. Ngumiti ito sakin saka umupo sa gaming chair ko nakatabi lang nang kama ko.

"Masyado mong kinuha ang atensyon ng kuya mo!" Sabi nito, kaya naguguluhan ako sa sinabi nito.

"Po?" Tanong ko.

"Sabi ko masyado mong kinukuha yung atensyon ni Joshua" Biglang nagtaas yung boses nito kaya naman napa atras ako. "Laki laki muna! Pero gusto mo parin angkinin atensyon ni Joshua na dat asa akin!" Mukhang galit nitong sabi.

"Ate natural kuya ko si Kuya Joshua, malamang asakin yung atensyon niya bilang kapatid!" Sabi ko.

"Kaya nga e! Masyado kang papansin pati kanina" Sabi nito. "Feeling PRINSESA! Laki-laki muna para maging prinsesa!" Sabi nito na ikinainis ko

"Pakielam mo ba ha!" Inis kong sabi. "Girlfriend kalang ni Kuya, kaya wala kang karapatan na pagtaasan ako ng boses! Kasi ni minsan di nila ako nagawaang pagtaasan ng boses!" Inis kong dagdag na sabi.

"Kapal mo ha!" Sabi nito saka lumapit sakin para sabunutan ako, napasigaw naman ako sa sakit.

Sa lakas nang sigaw ko ay narinig kong papunta ata sila kuya dito sa kwarto ko. Di ako nagkakamali at papunta nga sila dito.

Nangmahalata yun ni Ate Carmela ay nagkusa itong umupo sa sahig at hinawakan ang pisnge na akala mo ay sinampal ko ito.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni kuya at agad itong lumapit kay Ate Carmela.

Nakita naman ako ni Gio kaya lumapit iti

"Kinakausap ko lang kapatid mo, bigla nalang ako nitong sinampal at tinulak" Pagkukunwari nitong sumbong kay kuya ko.

Agad naman akong tinignan ni Kuya nang masama. "Bat mo ginawa yun?" Sabi ni kuya. Agad ko namang tinignan si kuya. Di ako makapaniwala na mas kakampihan niya pa si Ate Carmen kesa sakin!

Unting-unti nang tumutulo luha ko at napansin naman ni Gio yun kaya hinawakan nito ang kamay ko. "K-kasalanan k-ko s-s-sorry" Pagaangkin ko kahit diko naman kasalanan.

"Wag mo naman sanang ipakita yung totoong ugali mo!" Sabi nito na ikinasakit ko. Tinignan ko si Ate Carmela na ngayom ay nag papabebe kay Kuya.

"Lalabas na'ko, kung gusto mo uwi na'ko nang laguna, kayo nalang matira dito" Mahinahon kong sabi na kaagad namang ikinareact nila Kuya Lex.

"Ano? Di ako papayag!" Sabi nito.

"Mas lalo ako!" Si kuya Johan.

Binigyan ko sila nang isang malaking ngiti saka nagsalita. "Okay lang naman" Sabi ko.

"DI MO BA AALAMIN YUNG NANGYARI?" Malamig na sabi ni Gio.

"At para saan pa ha!" Sabi nito na mukhang ikinainiy ng ulo ni Gio.

"Bago ka magbitaw ng masasakit! find out if it happened first!" Mahinahong sabi ni Gio kay Kuya.

"Nakita mo naman na nasa sahig si Carmela diba!?" Sabi kuya.

"Malay mo, ginawa niya yun para mag pakaawa sayo!" Gio.

"Kampihan mo kung sinong gusto mong kampihan!" Inis na sabi ni Kuya.

"Talaga!" Sabi ni Gio, kaya naman bago pa uminit yung ulo nito ay kinalabit kuna to.

Tinulungan ni Kuya na Tumayo si Ate Carmela saka palabas na sana sila nang pigilan ito ni Leila.

"At, Aba talagang di mo aalamin yung nangyari ha!"  Pigil ni Leila Kay Kuya.

"At, para saan pa ha!" Sumbat nito.

"NI, HINDI MO MAN LANG PAPANIWALAAN KAPATID MO! KAPATID MO YUN JOSHUA! KAPATID!" Galit na sabi ni Leila kay Kuya napaang nang bunganga si Kuya. "You know! Pinagbigyan kana niya nong kumain tayo sa Thai resturant! Tas ngayon babaliwalain mo nanaman nang dahil jan" Kalma nitong sabi sabay turo kay Ate Carmela.

"You know what!, The joshua I met was not you! we are facing a different joshua now! The joshuang in front of us is someone else, not you! You changed since you met Carmela, ignored everyone, including your sister !" Sabi ni Leila.

"ANO BANG ALAM MO HA!" Sabi ni kuya sabay duro nito sa kanya at tinulak siya gamit yung daliring idinuro nito kay Leila kanina.

Agad namang lumapit si Kuya Lex kila Kuya. "WHAT THE F*CK BRO! PATI BA NAMAN BABAE PAPATULAN MO HA!" Inis na sabi ni Kuya Lex.

Kinuwelyuhan naman siya ni Kuya kaya sumugod si Leila at itinulak si Kuya, nagulat ako sa ginawa niya saka ko siya nilapitan at sumunod naman sakin si Gio na para pigilan ako. "Tamaa naaa" Awat ko kay Leila.

Lumingon ito sakin at nakita ko yung mukha nitong badtrip na badtrip na. "Di porket di tayo ok e dina kita kakampihan" Sabi nito sakin, sabay may kinuha ito sa bulsa niya. "PARA TUMIGIL KANA SA KATANGAHAN MO! TIGNAN MO YAN!" Sabay bato nang cellphone kay Kuya.

"Ano to?"  Tanong ni Kuya.

"Di panoorin mo!" Sabi ni Leila.

Nag play na ito at nagulat ako sa narinig ko, yun yung inaaway ako ni Ate Carmela. Nong narinig naman ni Ate Carmela yun ay agad naman itong lumapit kay Kuya.

"W-wwala y-yyan jooshh" Pigil nito kay kuya pero iniwas nito ang cellphone.

"Tangina mo Carmela, niloloko mo ba ako!? Ha!?" Inis na sabi nito kay Ate Carmela, umiling-iling lang ito kay kuya. "Tangina naman oh! Laki nang tiwala ko sayo! Tapos sinira mo lang ha! WHAT THE F*CKK" Sigaw na galit.

"Now you know!?" Sabi ni Leila saka kinuha yung Cellphone at lumabas. Sinundan ko naman ito, pinigilan ako ni kuya pero pinilit kung sinundan si Leila.

"Hey" Tawag ko na kaagad itong tumigil saka humarap sakin.

"You're welcome" Sabi nito kaagad kahit di pako nagpapasalamat. "Masama yung kutob ko kaya sinundan ko, di ako nag ka mali" Sabi nito sabay pag taas ng balikat nito. "Nakita kuna sa bar yun, di ako nagkakamali, siya nga! Lintek na yun, akala niya maiisahan niya ako tae niya!" Sabi nito naagad kong kinatawa pati siya napa tawa na din.

Dumaan ito sa harapan namin saka ito tumigil saglit, inirapan lang ni Leila ito. Saka na itong tuluyang umalis.

He Is Always In your Side Where stories live. Discover now