Akin Ka Na Lang

2.2K 26 8
                                    

Akin Ka Na Lang (One Shot Story)

Heather_Juno

          “Kelan ka babalik?”

          “Sa isang linggo pa. ‘Wag kang magpapatuloy ng kung sinu-sino ha.”

          “Oo na.” Napangitiako.

          “Parang may balak ka ha?”

          “Tange. Wala.” Tumango na lang ang ate ko sa pagtanggi ko. Hello? Wala rin naman akong balak magpatuloy dito ng kung sinu-sino na lang.

          Nagpaalam na sa akin ang ate ko. OJT niya kasi sa Cavite. Sa totoo lang, tapos na talaga pero humiling kasi ang direct boss nila ng konting manpower dahil sa demand. Dahil malaki rin ang utang na loob niya, pumayag na siya.

          Mag-isa na naman ako dito sa apartment. Okay lang naman sa akin. I have always been happy living alone. Actually, when she was gone for almost four months were the satisfying days of my life. Hindi dahil hindi ko na kasama ang ate ko, pero dahil sa dahilang mas gusto kong mag-isa. Pero may isa pang dahilan, I have always liked someone — this huge crush with our landlady’s grandson. At abot-tanaw lang siya at walang makakakita pag lihim ko siyang tinitingnan sa bintana.

          I have been dreaming about him like crazy when someone knocked on our door.

          “May nakalimutan ka ba?” Sigaw ko mula sa loob bago ko buksan ang pinto. And I was so dumbfounded with what I saw. Standing on my porch is Landon, ang apo ng landlady namin. Meaning, WTF — ang crush ko!

          Lord, pwede niyo na po akong kunin, natupad na po ang mga pangarap ko. Pwede na po akong mamatay!

          Hinawakan niya ang baba ko pero parang nakiliti akong ewan na parang napaso din kaya bigla akong lumayo.

          “What are you doing?”

          He smiled. “It was hanging open. I’m just concerned.”

          Putek na tinamaan ng magaling! Bakit naman ako napanganga? So, masama na ngayong maglaway at tumunganga sa isang lalaking kulang na lang ay ulamin ko na sa aking mga panaginip? Nakakainis!

          “Nagulat lang ako. Tsaka ano bang malay ko na kakatok ka na lang bigla dyan at manghahawak ng baba na may baba at magsasara ng bibig ng mga nakanganga?”

          “’Di naman ako nagtatanong kung bakit ka nakanganga.” Then he laughed. I flushed.

          “E.. Ano bang ginagawa mo dito?”

          Napatigil naman siya sa pagtawa at siya naman mismo ang biglang napatigil.

          “Ano.. Pinapatanong ng lola kung bayad ka na daw sa upa?”

          Nagtaka ako. Hindi ba iniabot ko sa kanya nung isang linggo pa? Hindi naman sa assuming ha, pero may naaamoy akong maganda.

          I smiled in return. “Actually, bayad na ako ng dalawang buwan.”

          Mukha naming napahiya siya. “Uh.. Sige. Aalis na ako.” Patalilis na siya. What to do? Anong gagawin ko?

          Its now or never. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Its better late than never. Potek. Honesty is the best policy. What is beauty if the brain is empty. Ano pang motto ang pwede kong halukayin sa utak ko? Tatawagin ko ba siya?

          Pero nanaig ang kalandian ko.

          “Landon.”

          Napataas ang kilay niya paglingon niya. “Kilala mo ako?”

          Ako naman ang napahiya. “Narinig ko lang sa lola mo minsan.” Syempre, ano pang idadahilan ko! Putek talaga. Alam na nito na may crush ako sa kanya.

          Naglakad siya pabalik. “Bakit?”

          “K-Kung gusto mo kumain ka muna... Medyo napadami ang luto ko eh.”

          Lumapit pa siya lalo sa akin.

          “Actually, nag-iisip pa sana ako ng dahilan para makasama ka pa ng matagal, Elaine.”

          Napatanga ako. Hindi dahil sa sinabi niya pero dahil sobrang lapit na niya sa akin. “Pa’no mo nalaman ang pangalan ko?”

          “Hinanap ko sa mga resibo.”

          Who would have thought that with just a simple glint of confidence ay kikiligin ako?

Fin.

          Aware ako na panget ang kinalabasan. Hindi pala ako marunong gumawa ng one shot. Tss. Di bale, totoo naman kasi na super yummy ng apo ng landlady naming kaya gora lang!

 

Heather_Juno

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akin Ka Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon