Part 18

30 7 7
                                    

Habang naghahanap sila kuya ng makakain e, bumulong sa'kin si Gio.

"Hiwalay tayong kumain?" Tanong nito.

"Pwede din" Sabi ko.

Magsasalita pa sana si Gio nang magsalita si Kuya. "O baka mamaya magkanya-kanya kayo ng pagkain ha!" Pangunguna ni Kuya. Nagkatinginan naman kami ni Gio at nagtaas ako ng balikat.

"Mukhang may balak kayong bumukod?" Singit ni Kuya Dick na ikinagulat namin ni Gio na nahampas ko.

"Ha? Kami? Wala no!" Sabi ko.

"Atsus" Pabirong inis ni Kuya Dick. Buti nalang di narinig ni Kuya.

Tumigil kami sa isang  thai restuarant, mukhang dito ata gustong kumain ni Ate Carmela. Di man lang ako tinanong ni Kuya kung dito ko ba gusto, di niya naalala na hate ko yung thai food, pero no choice ako di ako tinanong, mapipilitan akong kumain ng thai food.

Pumasok na kami at isa-isa kami na umorder, ang inorder ko lang ay PAD THAI and Neau Yang. Wala rin naman akong alam pag dating sa thai food e.

Isa-isa nang dumating yung order namin, paglapag nang order ko ay saglit ko itong tinitigan.

"Di ka nakain ng thai food diba?" Bulong na tanong sakin ni Gio.

"Ok lang" Sabi ko, tas saka kuna tinikman yung PAD THAI masarap siya pero wala talaga akong hilig kumain ng thai food, pinipilit kolang kumain kasi dito ata gusto ni Ate Carmen kumain.

Sandaling napatigil kami sa pagkakain nang magsalita si Miguel. "Diba dika kumakain ng Thai food?" Tanong sakin nito. Tinignan naman nila ako.

"Oo nga pala, di pala kumakain yung prinsesa natin ng thai food" Sabi naman ni Kuya Jun.

"Di okay lang, nasarapan ako" Sabi ko sabay pilit na ngiti.

"Are you sure?" Tanong ni kuya kaya tumango ako bilang sagot.

Natapos na kaming kumain at hinihintay nalang nila Kuya yung sukli. "Saan sunod?" Tanong nito.

"Kayo kung saan niyo gusto" Sabi ko mukhang di niya naalala na gusto kong mag arcade.

"Bro gumala nalang kayo, kami naman mag aarcade" Sabi ni Miguel. Nagulat ako sa sinabi nito at napakunot noo ko siyang tinignan. "Prepare ni Yana yung arcade kesa sa gala" Singit ni Gio.

"Sasama kami kila Yana tol, kung gusto niyong mag galagala sige lang mag aarcade lang kami" Sabi naman ni Kuya Lex.

"Ok, mauna na kayo umuwi ha, ingat kayo" Sabi nito bago tumalikod.

"Mukhang nakalimutan na yung prinsesa" Pangaasae ni Kuya Johan, agad namang binatukan ni Gio si Kuya Johan.

"Sige mang-asar kapa" Seryosong sabi nito.

"Ito naman parang di mabiro e" Sabi ni Kuya Johan.

"Ayos-ayusin mo!"

"Oo na" Sabi nito sabay kamot sa ulo niya.

"Tara pasok na tayo" Aya ko sa kanila. Isa-isa naman na kaming pumasok sa loob ng arcade.

"Uy Gio, libre mo kami coins" Sabi ni Kuya Dick, kumuha ng pera si Gio at binigyan ng 1k sila.

"Ayan mag sialis na kayo" Sabj nito sabay abot ng 1k.

"Salamat bro kaya lab na lab kita e" Pangbobola ni Kuya Johan.

Nagpapalit na din ng coins si Gio sa cashier, gulat ako ng dami ng coins.

"Hoy! Ang dami naman" Pagrereklamo ko.

He Is Always In your Side Where stories live. Discover now