Part 15

38 12 5
                                    

Yana POV

Malapit na kami sa kaya bumitaw na kami sa pag kahawak kamay namin. Habang papalapit kami ay natatanaw namin sila Kuya Jun sa labas ng bahay nila Tita na nagkukulitan ata.

"Oh sila Gio at Yana" Sigaw ni Lex

"Hooooooooo, mukhang dumadamoves na ang baby gio na'tin" Pangaasar nila kay Gio

Lumapit ito sa kanila at isa isang binigyan ng batok. "Ang iingay niyo" Sabi nito

"Bat ba mag kasama kayo ha? Akala ko ba mag lilibot-libot kalang?" Panunukso ni kuya Johan

"Naglibot nga ako! Nakita ko si Yana" Sagot nito

"Sus kunwari kapa boi, halata naman na sinundo mo si Yana yieeee" Tukso ni Dick

"Hoy ang ingay ingay niyo! Wala kayo sa cavite para mag ingay" Sita ni Tita na agad namang kina tahimik ng mga ito

"Yan ang iingay niyo kasi, para kayong di nakakita ng mag jowa!" Saad ko sa kanila

"SO MAG JOWA NA KAY-" Di na naituloy ang sasabihin ni Kuya Lex ng batokan ito ni Tita

"Kakasabi kolang ng wag maingay! Sumigaw ka naman, nagbabadtrip kaba?" Galit na sabi ni Tita

"Si Tita naman e, ang sakit sakit! Pag ako bumalik ng State at nabubo ako kasalanan mo ito ta, diko kayo mabibigyan ng pang grocery" Pangmamaktol nito

"Pwede naman kasing magsalita ng mahina, bat kailangan mo pang sumigaw! Ano bang sinisigaw mo ha?" Tanong ni Tita

"Gusto niyo ng chismis ta?" Biglang nabuhayang tanong nito kay Tita

"Aba malamang, sino ba yung may ayaw sa chismis?" Sagot ni Tita

"Jan tayo magaling e" Singit ni Kuya Johan

"Ano ba yun?" Tanong ulit ni Tita

"Ganito po kasi" Sabi nito at tumigil ito

"Pabitin naman to! Batukan kaya kita! " Naasar na sabi ni Tita

"Kasi tita, sila Gio at Yana sabay na umuwi, di ibig sabihin kaya mabilis na umalis si Gio kanina nag kita sila" kwento nito

"Ta kain na po kami sa loob" Sabi ko tsaka ko sinama si Gio sa loob

Naiwan naman silang nag kukuwentuhan habang nagtatawanan, for sure kami parin pinag-uusapan nila, kahit pag-usapan naman kami nila ay okay lang HAHA.

Pagpasok namin sa loob ay asa kusina sila Miguel, Sandra at Leila na kumakain. Napatingin si Miguel sa gawi namin pero agad namang nagiwas ito ng tingin. Umupo nalang kami sa harapan nila.

"Dito ka" Pagsusungit ko kay Leila

"Sinusundo ka!" Masungit na sabi nito

"Ikaw? Susundo sa'kin?" Maarteng tanong ko. "Di ako sasama sayo duh" Arte ko

"Bakit sinabi ko ba sayong sumama ka sakin" Mataray na sabi nito. Aba at mukhang hinahamon ako nito

"A-n-" Napatigil ako ng hawakan ni Gio ang kamay ko tsaka bumulong ito, ramdam ko naman yung tingin samin ni Miguel habang bumubulong si Gio.

"Enough" Mahinahong bulong nito sakin.

Agad ko namang pinandilatan ng mata si Leila, sinusubukan ako e, pasalamat siya pinigilan ako ni Gio kung di patay talaga to sa'ki masyado na nito akong ginigigil, gumigitna lang si Gio.

Sinandukan nako ni Gio ng palabok at kinuhanan na din ako nito ng softdrinks sa ref.

"Feeling" Bulong ni Leila na akala mo hindi ko narinig, sasalita sana ako ng dumating na si Gio.

He Is Always In your Side Donde viven las historias. Descúbrelo ahora