Chapter 6 : Unexpected Expect

0 0 0
                                    

"Haystt....nako naman Nizz" nakatutuk ang mga mata ko ngayun kay Nizz na pinapatubo ang isang buto ng mansanas ng di niya magawa. Ang ilan kasi sa mga patay na puno ay mga puno ng mansanas kaya kinuha ko ang mga buto ng mga ito para itanim.

"Master, just wait a little bit i know i can do this" sabi niya saka itinapat ang kanyang paws sa isang buto na naka tanim na sa lupa para patubuin.


"Master we need water" napatingin naman ako sa paligid namin. Punong patay at tuyong paligid..malabong may tubig. Napatingin naman ako sa dumudugo kung palad na gawa sa pagkakadapa.


"What about kung dugo ko ang gagamitin Nizz?" biro ko pero di niya ako sinagot dahil nagfofocus siya. Kaya pinatulo ko na lang ang dugo ko sa lupa kung saan naka tanim ang buto.








Naging magaan na ang pakiramdam ko at maging siya rin ng malaman ko kung ano ang totoo at masabi niya ang totoo.


Nasabi niya rin na hindi ako taga rito, kaya raw nag-iiba ng kulay ang mga mata ko. Di man ito makapaniwalang paniwalaan. Pero mas lalong di siya makapaniwala nang malaman niyang tumakbo ako patungo dito ng nagbabago ng mga mata. Sabi kasi niya kapag nagbabago ang ilang bahagi ng katawan ay subrang sakit daw nito, ang ilan pa nga daw pag nagbabago na sila ay umiinom sila ng posions para di makaramdam ng sakit o mabawasan ito, ang ilan pa nga daw ay hindi na magigising pagkatapos ng dalawang linggo pero ako daw ay kinaya ko.

Diko naman sinabi sa kanya na di masakit. Nong tumakbo nga ako ay halos mamatay-matay ako sa hapdi at sakit, pero nang nabanggit niya iyon ay medyo naging proud ako sa sarili ko.

Ang galing ko talaga.



Tinanong ko rin siya kung ilang taon ako simula nong nanirahan ako dito sa mundo ng mga tao, sabi niya pitong taon palang daw ako, di nga siya tumigil sa kakatawa nong inilalarawan niya kung gaano ako ka dungis. Tinanong ko kung sino ang mga magulang ko pero wala siyang naisagot dahil nong nag simula ang pag-atake ng black feather ay siya ring pagkasilang niya mula sa luha ng araw. Nako maisip-isip kung lumuluha ba talaga ang araw dahil ang alam ko mainit ito. Nasabi niya rin na may iba't ibang mga clans sa ibang mundo...ang mundo kung saan ako isinilang. Nong isinilang siya ay  naka tasked na siya na alagaan ako kasi lahat naman daw ng mga protector ay naaamoy ang dugo ng kanilang Master. Nakita niya daw akong umiiyak sa nasusunog na village umiiyak pa daw ako nun kaya kapag tinatanong ko kung sino ang mga magulang ko wala siyang maisagot.





Nabanggit niya rin na maraming mga bagay ang nag-eexist sa ibang mundo na di nag-eexist dito. Kaya nga mga kapangyarihang kuntrolin ang oras, panahon ,gumamot. Ahh speaking of gumamot ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko nang ginamot ni Nizz ang mga sugat ko.



Medyo lumiliwanag na ang paligid at nakikita ko na rin ang araw. Tunay ngang nakakatakot ang gubat na ito. Kahit na medyo may liwanag na at nakikita ko na ang mga patay na puno ay mas nakikita ko na kung paano ka pangit at nakakatakot ang lugar na'to.





"Master?

"Master??!"

"Ha?" napatigil ako sa pag-iisip.


"Master! i did it!" sobrang saya niya nang maging successful ang pagpatubo niya ang isang buto. Ang kaninang buto ay naging isang puno lumaki ang mga mata ko sa saya.


Grabe talaga,kahit ngayun ay di parin ako makapaniwala. Astig. Naka diin ang mga mata namin sa patuloy na paglaki ng puno.


Napa baling ang atensyon namin ng gumawa ng kakaibang tunog ang tiyan ko. Napansin kung di pa pala ako kumakain dahil sa pagkakatakbo. Dali-dali namang lumipad si Nizz habang kinukuha ang bunga ng mansanas sa itaas. Ang la-laki ng mga ito. Kaya kinain ko na ito agad para magkaroon ako ng lakas.


The Secrets of the Veiled Enigma [ On-going ]Where stories live. Discover now