Part 12

39 15 5
                                    

Laguna~

After ng 3 hours at mahigit na byahe ko ay nakarating nako dito sa bahay sa laguna. Pagod akong umupo sa sala nila tita.

"Kapagod mag byahe?" Tanong sa'kin ni tita

"Sobra, traffic din" Pagod kong sabi. " San po pala si Tito" Tanong ko kay tita

"Yung magaling mong tito! Ayun andun sa basketballan, parang gustong doon na tumira nakakagigil. Gigil nitong sabi na ikinatawa ko lang.

"Oh sya wag ka nang tumawa jan na para bang inaasar mo ako! maligo ka muna doon sa taas para mapriskuhan ka, pag tapos mo bumaba kana at kakain na tayo" Sabi ni tita na agad ko namang sinunod

Inilapag ko lang gamit ko sa kwarto saka ako kumuha ng towel sa lalagyanan ko ng damir saka na dumiretso sa c.r para maligo.

Saglit lang din naman akong naligo pagtapos non ay bumaba na din ako dahil medyo nararamdaman ko na rin na gutom ako.

"Oh dito na pala pamamgkin ko" Gulat nitong sabi nong nakita niya aking bumababa

"Wala pa po, nauna lang anino ko dito" Pelosopong sagot ko

"Anak ka naman ng pating o" Pakamot na sabi nito

"Ano!? Dika nakakatanggap ng magandang sagot sa mga pamangkin! Paano pilosopo ka rin!" Pagloloko ni Tita kay Tito

"Ito naman parang galit lagi, gusto mo lambing?" Paglalambing ni Tito kay Tita

"Tumigil tigil ka nga jan, baka gusto mong doon matulog ngayong gabi sa court?" Masungit na sabi ni Tita

"Ito naman parang di mabiro biro" Kasimangot nitong sabi

"Dami mong daldal, magsikain na nga tayo pinaghihintay niyo yung pagkain" Saad ni tita

"Opo" Sagot ko

Habang kumakain kami ay tumunog yung cellphone kaya tinignan ko kung ano yun, may nag message pala nasa 11 message tas 5 missed calls.

Yung 11 message galing kay Gio, Kuya Jun at Miguel? Yung missed call galing kay Gio lahat. Agad ko namang binasa yung message ni Gio.

From: Giong Matahimik
Ingat tas may emoji na kiss

From: Giong Matahimik
Saan kana banda? Nakarating kanaba

From: Giong Matahimik
Uyyy dika nag rereply, susundan kita jan tamo

From: Giong Matahimik
ISA YANNNAAAA

From: Giong Matahimik
Susundan talaga kita jan! Akala mo ah

From: Giong Matahimik
Pag dika nag reply hanggang mamaya susundan kita jan

Napangiti nalang ako sa mga message nito kaya nireplyan kuna agad ito para dina sumunod dito.

To: Giong Matahimik
Nakarating nako, di lang ako naka reply sayo kanina di ako gumamit ng cellphone.

Reply ko dito na agad namang nag reply kaagad, mukhang hinihintay talaga message ko.

From: Giong Matahimik
Kung di katalaga nag reply, susundan talaga kita jan! Akala mo ha

To: Giong Matahimik
Hahahaha :>) Reply ko sakanya na may kasamang emoji na blee

From: Giong Matahimik
Kumain kana ba?

To: Giong Matahimik
Kumakain palang

He Is Always In your Side حيث تعيش القصص. اكتشف الآن