04

23 2 0
                                    


Chapter 4

Tahimik lang ako habang nasa byahe pauwi, sinabi ko sakaniya kung saan ako nakatira.

I can't trust anyone, but him... i don't know.

“Can I call you Kae?” basag niya sa katahimikan.

Ano daw? Kae?

“What is it again...Kae?” tanong ko.

“Yeah...comes from your second name, Kaelin. So can I?” kaswal nitong sagot at tanong sakin.

Kae? How's cute. This guy gave another nickname to me.

“Sige lang” sabi ko at inayos ang dalang gamit ng makitang familiar ang daan.

Malapit na.

Hininto niya ang kotse sa sinabi kong lugar. Bumaba siya para buksan ang pinto kung nasaan akong gawi.

Wew, gentleman.

“Ah, Kleon” tawag ko sakaniya, nag-angat naman siya ng tingin. “Salamat” saad ko tsaka ngumiti.

“You're Welcome, next time ulit. bye” saad nito at ngumiti tsaka kumaway sakin, kinagulat ko naman ng bahagya.

Next time? Uto.

Nagpaalam naman na siya, bahagya ko pa siyang hinintay na makaalis bago pumasok sa loob ng condo.

“Sino yung naghatid sayo?” bungad niyang tanong sakin.

Aba ang Babaita.

“Secret” asar ko sakaniya. tsaka tuluyang pumasok sa kwarto.

Naglinis ako ng katawan tsaka nagbihis ng pantulog.

Lumabas ako sa kwarto para pumunta sa dining area, at may naamoy akong kaayaya.

Sarap.

“Let's eat na Aiah” saad niya.

Nagulat ako ng makita ko kung sino yon. Si Kuya, kasalukuyang inihahanda pagkain.

Asan yung babaita.

“Kuya Lance?” pagtataka kong tawag sakaniya.

Nakita kong lumabas ng kwarto si Wina, mukhang katatapos niya lang ding mag half bath dahil kasalukuyan itong nakapangtulog na.

“Oy Ayang, nga pala kanina pa andito Kuya mo hindi na kita natawag kasi sabi niya surprise nalang daw sayo” pagpapaliwanag niya.

Lumingon ako kay Kuya at ngumiti naman siya sakin ng malapad.

Eh?

“C'mon let's eat” hila ni Kuya sakin.

“Kuya” bawal ko sakaniya.

Epal talaga.

Inalalayan niya ako sa pag-upo. Naupo narin si Wina. Kaya pala mabango yung naaamoy ko kanina, yun pala yung nilulutong ulam ni Kuya.

Nays. Kundi business man, chef ang peg.

“Teka nga” pagpapatigil ko sakanila. “Bakit ka andito Kuya?” tanong ko sakaniya.

Nag-angat siya ng tingin sakin, gayon din si Wina.

“Masama bang dumalaw, at ipagluto ka? Bumabawi lang ako” saad niya at tsaka ngumisi ng nakakaloko. akala mo namang kinapogi niya.

Choss, pogi talaga siya.

Narinig kong bahagyang natawa si Wina kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kapal e noh.

My Favorite LessonWhere stories live. Discover now