03

23 2 1
                                    


Chapter 3

Nasa dalampasigan ako, nakaupo sa buhangin malapit sa villa. I'm taking picture of that moment because I know, now is one of the memorable moments and events happened to me.

Bumalik na si Kuya sa dati, he become more sweeter and protective to me...he was being a good brother again, bumabawi siya.

“Aiah! let's eat. Nagluto ako” tawag ni kuya sakin. Agad naman akong tumayo sa kinauupan at nilapitan siya.

Pumunta kami sa kitchen & dining area ng villa, inalaayan niya akong umupo...medyo marami siyang pagkaing hinain para samin.

Mukha na ba akong patay gutom.

Pinagmasdan ko si Kuya habang abalang inaasikaso ang pagkain ko. Nakita ko naman na masaya siya sa ginagawa niya, ngayon ko lang ulit nakitang ganon siya kasigla.

“Kain na, baka matunaw ako” biro ni Kuya tsaka tumawa.

Sinimulan ko ng kumain at ganon din siya, napansin kong puro paborito ko ang nakahain sa hapag kainan.

So patay gutom nga ako?

“Luto mo lahat?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.

“Ay hindi, niluto siguro yan ng multo dito” sarkastiko nitong sagot tsaka tumawa.

Niluto niya yon para sakin, kahit hindi niya kinakain ang iba don. Alam kong pagod siya at puyat kaya pano niya nagagawang magluto ng ganon? Pano siya nagiging ganyan kasaya at kasigla.

The great pretender.

“Nga pala Kuya, kaninong villa 'to?” pagtataka kong tanong sakaniya, dahil ang pagkakaalam ko walang binili o pinatayong rest house ang pamilya namin.

Think what is it...the design was very familiar to me.

“Ha? eto ba? wala sa kaibigan ko lang” paliwanag niya. “Maganda ba?” pahabol niyang tanong.

Tumango-tango ako. “Familiar nga e” sagot ko.

“Kumain ka ng kumain” saway ni kuya sa paglatulala ko.

Kumain nalang ako ng kumain gaya ng sabi niya. Masaya kaming magkasalong kumain, ngayon lang ulit...after years.

Siblings Date...

Pagkatapos naming kumain nagpaalam ako kay kuya na pupunta lamang ako ng kwarto para maghanda. tatlo ang kwarto sa villa na 'to hindi ko maalala kung bakit sobrang pamilyar nito sakin.

Naghanda na ako ng maisusuot para sa paglilibot namin mamaya sa tabi ng dagat, naglinis ako ng katawan para fresh tignan.

Wew

Pagkatapos makapagpalit, kinuha ko na ang cellphone tsaka lumabas ng kwarto. Nasa baba si Kuya, mukhang may kausap sa cellphone.

“Where are you?” saad niya sa kausap.

Sino na naman kaya yon?

“Okay okay, we will talk later” saad ulit ni Kuya sa kausap.

Ha? Sino ba yon

“Kuya” tawag ko sakaniya at natigilan naman siya.

Hinarap niya ako. “Sino kausap mo?” tanong ko, nakita kong nagulat siya sa tanong ko.

Pahalata.

“Ah wala wala, tara sa terrace may gagawin akong magugustuhan mo” saad nito sakin tsaka ako tinulat palabas.

My Favorite LessonWhere stories live. Discover now