CHAPTER 48

110 2 0
                                    

CHAPTER 48

SINUNDAN KO ng tingin si Hylo habang ngumunguya. Napalunok pa ako ng makarinig na parang may natumba sa labas. Sa tingin ko basurahan iyon. 

"Hylo?" bigla kong tawag sa kanya. 

Sumenyas ito sa akin na dito raw muna ako sa kama at pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto. Kinabahan naman ako dahil doon. 

"What are you doing here?" medyo mahina na ang boses nito dahil sumara na ang pintuan ng tuluyan siyang makalabas. 

Huminga ako ng malalim at hindi mapakali sa aking kinauupuan. Dahan dahan akong bumaba sa kama at hinawakan ang pinaglalagyan ng dextrose ko. Maingat kong tinulak 'yon pasunod sa akin ng magsimula akong maglakad papunta sa pintuan. Sisilipin ko lang kung anong meron sa labas. 

Nang makalabas ako ay nakita ko si Hylo sa hindi kalayuan. May kausap itong dalawang guard at may hawak na lalake. Sa boses niya palang ay alam ko na kung sino 'yon. 

"Hylo..." tawag ko ng makalapit sa kanya. Hinawakan ko ang braso nito na halata naman na nagpipigil siya ng galit. 

"What are you doing here, Cheska? You need to rest. Go back to your room na," tugon nito sa akin at hinaplos ang pisngi ko. 

Ningitian ko lang siya at hindi pinakinggan. Gusto kong harapin si Davis ngayon. Nang magkatinginan kaming dalawa ay sinubukan niyang alisin ang pagkakahawak sa kanya ng guard. He looks messed up. There's an eyebag in his eye. His hair is long, and I can clearly see his beard.

"Cheska. . . can I see him? Please, I'm begging you. Cheska, let me see our son," wika nito sa akin. 

"Umalis kana dito, Davis. Premature si Raheem dahil sa kagagawan ng parents mo," I said. 

Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. . . dahil sa takot. Takot parin ako sa kanya. Sa tingin ko ay kailangan ko ng magpa tingin sa psychologist baka sakaling magamot pa ito. 

Padaskol nitong tinanggal ang kamay ng gwardya na may hawak sa kanya. Napalunok ako at napaatras ng makita siyang lumuhod sa aking harapan. Si Hylo naman ay naka aalalay sa aking likuran. 

"Let me see him, Cheska. Please," paulit ulit nitong wika habang nakasubsob ang kanyang muhka sa tiles. 

"I had no idea my parents went to your parents' place last week. They didn't even inform me you gave birth to Raheem, and I didn't realize it was their fault. That is why Raheem was born prematurely. Please let me see our son, Cheska. I just want to see him," he cried. 

Ngayon ko lang nakita na umiiyak siya sa harapan ko. He wants to see Raheem that badly?

Huminga ako ng malalim at umiling ng ilang beses. 

"No. I don't want to," I whispered. 

Umatras ulit ako at umiling ng maraming beses. 

Umangat ang kanyang tingin sa akin at hinawakan ang aking kamay. Sa pagkabigla ay hawakan niya ang nakakonektado sa dextrose ko kasabay non ang pag iwas ko kaya ang kinalabasan ay nahila niya iyon. 

"Ouch."

"Okay, that's enough," galit na wika ni Hylo ng makita ang nangyari. 

Sunod sunod ang pag tulo ng dugo sa aking kamay at pinagsawalang bahala ko lang iyon. Mas malala pa yung mga sugat ko dati kesa dito kaya sisiw nalang sa akin ito. Walang emosyon na hinarap ko si Davis. Nakatayo na ito at akmang lalapitan ako ng humarang si Hylo, tinago niya ako sa kanyang likod. 

"Get out," seryosong wika ni Hylo. Tinignan niya ang guard at sinenyasan na paalisin si Davis. "Umalis kana dito, Davis."

"I'm sorry, Cheska!" Davis shouted as he walked to the exit together with the guards. "Forgive me, please!" 

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Where stories live. Discover now