Chapter 2 : Veiled Nightmares

1 0 0
                                    

Dali-dali akong tumayu sa pagkadapa. Sugat-sugat na ang katawan ko at 'di pa maganda ang pakiramdam ko.

Hilong Hilo nako.


"Kainis!!"

Pinilit kung itinayu ang aking sarili mula sa pagkadapa. Mas lalo pang humahapdi ang ang aking kamay sa nangyari. Hindi lang kamay, buong katawan ko.


"BILISAN NIYO NAMAN!!!!" singhal ng isang lalake sa kasamahan nito. Kaya dali-dali naman silang tumakbo papunta sa direkyon ko.

Kaya mabilis akong tumakbo tungo sa kagubatan. Madilim ang buong paligid tanging mga boses lang ng humahabol sakin ang naririnig ko at ang mga paniki na lumilipad sa kalangitan.

Napansin ko rin na tumila na ang ulan. Nawala narin ang mga maiitim na ulap sa kalangitan dahilan upang makita ko ang buwang subrang liwanag na kina tibok ng puso ko sa takot.

Alam ko na takot na takot ako sa dilim. Simula nong bata pako naiiyak na talaga ako sa dilim lalo na kapag nag-iisa ako. Pero ngayung matanda na'ko ay hindi parin ito mawala wala.


Alam kung kahit na ito ay nakakatakot ay napakaganda pa rin nitong pagmasdan. Pero dahil sa liwanag na bigay ng buwan ang dahilan upang tumatakbo ako kahit na hiling-hilo.

"Pa'no pag makita nila ako?"



"Pa'no pag patayin nila ak-ahhhhhk!"


Natumba ako sa pagkakatakbo.Nabagok ang ulo ko sa isang puno. Nakaramdam naman ako ng mainit na likido sa noo ko. Hinahawakan ko ito at kahit na diko masyadong maaninag ay alam kung dugo ito dahil na rin sa hapdi ng noo ko.


Pinilit kung tumayu at nagsimulang tumakbo pero diko na kaya.


Kahit anong pilit ko diko na maigalaw ang isa kung paa dahil na siguro sa nga natamo kung sugat at pagod na dinaranas ko ngayun.

Dahil sa mga nangyayaring mga bagay sa araw na ito....naitanong ko nalang saking sarili kung wala pa bang maimamalas. Inuutusan lang naman akong bumili ng suka tapos ito na ako ngayun dumudugo sa ilalim ng buwan, pagod na pagod na gumalaw.

Diko mapigilan ang aking luha. Umiiyak ako ngayun sa ilalin ng sinag ng buwan di maipaliwanang kung bakit ito nangyayari sakin.



"Naging mabuti naman ako ahh....bakit ito nagyayari sakin?"


Alam kung para akong tanga nagtatanong kahit alam kung walang sasagot pero wala akong paki. Wala akong paki. Gusto ko lang na mailabas ng lahat ng sakit sa dibdib ko para man lang mabawasan ang nararamdaman ko ngayun.



Sa pag-iyak ko na realize ko na wala talagang taong magpakealam sakin. Ang pamilya na kahit masama at itinuring ko parin na pamilya ay hinayaan lamang akong maghirap. Diko maisip kung mabubuhay pa kaya ako ngayun.



Sina aunty? May paki pa kaya sila sakin?


Hinayaan ko nalang na umiyak ng umiyak ng palihim.




Nong medyo okay nako ay pinilit ko ulit na igalaw ang isa kung paa para tumayo pero sa di inaasahan diko na ito maitayo dahilan upang mauntog ang pwet ko sa lupa.



Napansin ko rin na simula nong natapos akong umiyak ay wala na akong naririnig na kahit anong ingay. Kahit mga ingay ng mga insekto ay wala.Wala na yung ingay ng mga taong humahabol sakin kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko pero di parin ako kampante.



Dahil pakiramdam ko nasa paligid lang sila at alam kung di sila titigil dahil alam kung kating kati na sila na mapatay ako.

Isang luha ang tumulon saking mga mata. Tumulo ito saking palad at dahil sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang likido. Dugoooo!




The Secrets of the Veiled Enigma [ On-going ]Where stories live. Discover now