SIMULA

1 0 0
                                    

SIMULA

Nandito ako sa palayan kung saan pinagmamasdan ko ang mga langit at ang mga magsasaka na nagtatanim ng mga palay.

"Kung saan-saan ka na naman nagsusuot! Kanina kapa hinahanap ng Mommy mo!" Sigaw sa'kin ng aking nanny. Tumingin naman ako sa kanya. "Napadaan lang po sa palayan, uuwi rin ako maya-maya." Napabuntong-hininga nalang si Nanny Therese. Alam niya kasi na kapag galit ako ay dito ako pumupunta.

"Mauna na po kayo, susunod din ako." Tumaas naman ang kaliwang kilay niya na para bang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Ngumiti na lamang ako. "Trust me." Tumango nalang sya at tumalikod.

Muli akong tumingin sa mga magsasaka na nagtatanim. Hindi kaya sila napapagod? Tirik na tirik ang araw tapos nagtatanim sila.

Nagpasya na akong umalis pero pag lingon ko ay may lalaki akong nakita na nakatingin din sa palayan. Mukhang bago lang sya rito.

He's tall. Mas matangkad sya kesa sa kuya ko. Agad naman syang lumingon sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Papalapit sya sa kinaroroonan ko.

Ang nasa isip ko lang ay ang gwapo niya.

"Do you like this view?" Lumingon naman ako at para akong tanga na tinuturo pa ang sarili ko baka kasi hindi ako yung kinakausap niya. Numiti lamang sya iniasta ko. His smile was the kind that could light up a room.

"Yes." Matipid kong sagot sa kanya.

"Alam mo ba yung address na ito?" Ibinigay nya isang maliit na papel kaya binasa ko ang nakasulat doon.

Address ng bahay namin ang nakasulat sa papel.

"Ah oo, bahay namin." Sagot ko. "You must be his sister." Ngumiti nalang ako sa kanya. "Tutal uuwi na ako, gusto mo bang sumabay sa akin?" Tanong ko at tumango na lamang sya at sumunod sa akin.

Amor Seriem 1: Sana Maulit MuliWhere stories live. Discover now