siguro, dahil hindi ako sigurado.

7 0 0
                                    

siguro …
nasa punto na ako ngayon ng buhay ko na,
hindi ko na hinihintay 'yong text messages mo,
iyong wala sa oras at biglaang pagtawag mo,
tapos sasabihin mo lang sa akin na na-miss mo lang ako.

siguro…
tanggap ko na sa sarili ko na,
pulos sakit lang talaga ang naidulot ko sayo,
kung may pagmamahal man hindi iyon buo,
halata naman kasi ako itong unang sumuko.

siguro…
ito na ang huli,
wala ng ikaw na sa ugali ko'y mag-iintindi,
wala ng sa akin na palagi ay pipili,
dahil wala ng mananatili.

siguro…
ay hindi talaga para sa isa't isa,
kaya puso'y pipigilan na.
hintayin mo lang puso ko'y masanay,
pangakong hindi na ako maghihintay.

siguro?Where stories live. Discover now