CHAPTER 4

826 21 2
                                    

☘️

Mabuti nalang at maaga akong nagising kinaumagahan kaya maaga akong nakapasok sa eskwela.

Nakangiti pa ako na parang timang habang naglalakad sa hallway pero agad ring nawala ang ngiti ko nang makasalubong ko ang babaeng hindi ko inasahan na papasok ng ganito kaaga.

Ang mahal na prinsesa, Shaqui Leigh Yamazaki...

"Why are you smiling like an idiot?" malditang tanong niya.

Problema nito? Bawal na bang mag-smile ngayon?

"Bakit? Bawal ba dito ang ngumiti?" tanong ko rin sa kanya kaya napakunot ang noo niya pero nawala naman agad at bigla nalang siyang ngumiti.

"Gosh! I can't believed that of all the people here in school, you're the first person who caught my attention." compliment ba yun?

"Dapat na ba akong magpa-party dahil diyan?" pilosopong tanong ko na ikinatawa niya ng mahina.

Alam niyo, kung hindi lang sana ako sinabihan ng mga pangit na salita nito kahapon, siguro kinilig na ako dun sa sinabi niya. Pero boi, wag ako! Walang epekto yan sa'kin! Pagkatapos akong tawaging bansot?! Bahala siya diyan!

Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ako paalis at nilagpasan siya.

"Hey, wait!" habol niyang tawag sa'kin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Akala ko tumigil siya sa pagsunod sa'kin pero akala ko lang pala dahil bigla nalang niyang inilingkis mga kamay niya sa isang braso ko kaya huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Miss Yamazaki, pwede wag mo tong gawin sa'kin? Nakakahiya kasi eh atsaka baka makita tayo nung mga fans mo at mabully pa nila ako." pakiusap ko sa kanya baka kasi may makakita at gawan pa ng issue, mahirap na. Pangatlong araw ko palang dito pero may issue na kaagad ako? Naku, pinaka-ayaw ko pa naman yung ganun.

"Don't worry, darling. Akong bahala sayo. Let's go?" pambihira, hindi ko pa nga nasabi yung sagot ko sa sinabi niya e nahila na niya kaagad ako.

"T-teka teka. Sa'n ba tayo pupunta?"

"Cafeteria." maikling sagot niya.

"P-pero..."

"Pero what?" malditang tanong niya saka hinarap ako at pinaningkitan ng mata.

Napakamot nalang ako sa batok ko at hindi na nakapagsalita dahil feeling ko anytime mabibigwasan niya ako.

"Stop asking a lot of questions, Dela Vega. And just follow me nalang." sabi niya saka ako hinila ulit at naglakad na patungong cafeteria. Dahil wala na nga akong magawa ay nagpatianod nalang ako sa kanya.

Pagkarating ng cafeteria ay kaagad niya akong pinaupo dun sa pinwestuhan nila kahapon at siya naman ay pumunta sa counter para umorder. Hinayaan ko nalang siya sa kung anong gawin niya at umupo nalang ng tahimik habang hinintay siyang makabalik.

Hindi siguro nakapag-breakfast tong babaeng to sa kanila at dito na sa cafeteria naisipang mag-umagahan.

"Here, eat this." sabi niya sa'kin pagbalik niya at inilatag sa harap ko yung tray na may lamang french fries, rice with fried chicken, atsaka nestea juice.

Tatanggi na sana ako kaso hindi ko pa man naibigkas ang unang letra ng sasabihin ko ay naunahan na niya akong magsalita.

"Wag na wag mong tanggihan yan! Lagot ka sa'kin!"

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetWhere stories live. Discover now