CHAPTER 1

2.3K 29 1
                                    

☘️REIGAN DELA VEGA☘️


First day of school bilang college student. Medyo kinakabahan lalo na't sa pinakasikat na university ako mag-aaral. Kinakabahan din ako sa magiging reaksyon ng mga estudyante kapag nakita nila ang isang nerd na tulad ko sa school nila.

Sana talaga at walang bully sa Geraldino University. Sa katunayan wala din akong kaibigan sa University na papasukan ko ngayon kaya mas lalo akong kinakabahan dahil mag-isa lang ako.

Sa sobrang pag-aalala ko, di ko namalayan na nasa gate na pala ako.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa gate and as expected pinagtitinginan agad ako ng mga estudyante. Yung iba nagbubulungan at yung iba naman pinagtatawanan kaagad ako.

"What is she doing here?"

"Bakit may nerd dito?"

"Pang mayamang school to ba't andito yan?"

"Oh my gosh baka kung ano pang sasabihin ng taga ibang school na may nerd at pulubing student yung Geraldino University"

"Naku! May nerdy! Paniguradong magiging tampolan na naman to nang pambubully nila Mike."

"Panigurado talaga yan, pre."

Kung makapagsalita tong mga to kala mo kay gaganda.
Bakit? mayaman lang ba ang pwede dito? Tsk.! Talino kaya ang puhunan ko kaya ako nakapasok dito.

Atsaka anong ibig sabihin nilang magiging tampolan sa pambubully?

Di ko nalang pinansin ang mga tingin at bulungan nila tungkol sa'kin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad dahil pupunta pa ako sa Dean's Office.

Habang nilalakbay ang daan papunta sa opisina ni Dean ay hindi ko naman namalayan na may makakasalubong ako kaya nagkabanggaan kaming dalawa dahilan na mahulog ang mga dala niyang gamit.

"Arrrghh! Damn you nerd!" galit na sigaw ng babaeng nakabangga ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin at idinuduro ako.

Naiyuko ko ang aking ulo dahil hindi ko siya matignan, nakakatakot e. "S-sorry po. Hindi ko po sinasadya." paghingi ko ng paumanhin sa kanya at medyo nataranta pa kaya tinulungan ko siya na pulutin mga gamit niya na nagkalat sa sahig.

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo! Hindi naman ikaw ang may-ari sa hallway na 'to!" galit na sabi niya at nagsimula na rin siyang magpulot nung mga gamit niya.

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya at tinititigan na lamang ang bawat galaw niya. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil sa suot niyang skirt na masyadong maikli tsaka yung suot niya ring pang-itaas kita yung cleavage niya. Gosh! Magkakasala pa ako ng wala sa oras dahil sa babaeng to.

Bigla naman niyang inangat ang tingin niya sa'kin kaya natigilan ako dahil grabe ang ganda niya pala, para siyang artista. Ang puti at ang kinis ng balat niya. Damn, what a goddess! She's too hot and attractive.

Nabalik ako sa katinuan when she snap her fingers in front of my face.
"Kid, I know I'm a goddess. Pero pwede next time tumingin ka na sa dinadaanan mo. You look like a lost child. Oh no, erase that. A lost nerdy kid rather." sabi niya sa'kin sa maarteng boses at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

Langya tong babaeng to! Binabawi ko na pala yung mga magagandang sinasabi ko patungkol sa kanya kanina. Hindi pala siya goddess dahil mukha siyang babaeng mambabarang.

Pero medyo true naman yung sinabi niyang I look like a lost child. Palinga-linga kasi ako habang naglalakad kasi hinahanap ko kung saan ang office ng Dean tapos naka backpack pa ako. Edi para akong bata na iniwanan ng nanay sa kalye.

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon