PROLOGUE

3.5K 26 8
                                    

☘️;

Papano ba masasabi na gusto o mahal mo ang isang tao?

Syempre, hindi ko rin alam. Pakisagot nga readers...

Ay ano ba yan! Kasi naman eh!

Ano ba kasing ginawa sa'kin ni Yamazaki?! Bakit ba ako nagkakaganito pagdating sa kanya?!

She hates me! She doesn't like me! Dapat ganun din ako sa kanya. Pero bakit ganun? Bakit imbes na e hate ko siya e parang ako pa itong nagkakagusto sa kanya?

Dapat mutual yung feelings!

Dapat kung hate niya ako edi dapat hate ko rin siya. Hindi yung hate niya ako pero gusto ko siya.

Punyawa ka self! Why are you like this? Hindi naman kita pinalaking ganito! Chos!

May crush naman ako. Si Johanna atsaka yung professor namin pero bakit pagdating kay Yamazaki iba talaga nafi-feel ko. Charot lang dun sa professor.

Kung dati naririndi ako tuwing nagagalit siya sa'kin. Ngayon, parang gusto ko nalang na magalit siya sa'kin palagi. Gusto kong marinig yung boses niya, gusto kong makita yung magandang mukha at ngiti niya. Parang hindi na kompleto araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

Nakuuuu!!! Kasalanan mo talaga to Yamazaki! Kung hindi mo sana ipinaramdam sa'kin yung mga pagseselos mo na lagi mo naman kaagad idinedeny, edi sana hindi ako mukhang takas sa mental ngayon.

Gusto ko nang makatulog! Jusmeyo! Yamazaki, magpatulog ka naman! Bukas ka na ulit tumakbo sa isip ko...

Ayon, dahil nga sa hindi ako mapakali ay bumangon ulit ako sa pagkakahiga. Ginulo ko ang mga buhok ko dahil nafa-frustrate talaga ako sa nararamdaman ko ngayon. Hindi talaga ako makatulog dahil nga naguguluhan ako.

What if sundin ko nalang yung sinabi ni Yosh? Sabi niya kasi kung naguguluhan daw ako sa nararamdaman ko e manghingi nalang daw ako ng sign sa panginoon.

Wala naman sigurong mawawala kung susundin ko diba?

"Papa God please po. Give me a sign. A sign na magpo-prove na may gusto talaga ako kay Yamazaki." dasal ko bago ako humiga ulit at natulog.












"Love.." gising sa'kin ng kung sino.

"Dada, wake up na po." gising ng isang bata sa akin at sinakyan pa ako sa tiyan.

Hindi naman nagtagal ay nagising ako, niyakap ko ang batang kanina pa ako kinukulit, ikinulong ito sa mga braso ko at pinugpog ng halik sa mukha kaya tawang-tawa naman ang bata sa ginagawa ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa napakagandang babae na nakangiting nakatingin rin sa amin habang hawak ang isang camera sa kanyang kamay.

Si Shang...

"Dada, I have something to tell you po." nakangiting sabi ng bata sa akin. Ang pogi... Mana sa akin hehe.

"Ano yun?"

"Can you buy me some toys po, Dada?"

"Of course."

"Yehey! Let's go na Dada."

Natawa na lamang ako dahil sa kakulitan ng batang to. Wala na rin akong nagawa at bumangon na sa pagkakahiga dahil sa sobrang excited nung bata.

Sa sobrang excited niya ay siya na rin mismo ang kumuha ng tuwalya para sa akin.

Nang makabangon ako ay nilapitan ko si Shang at binigyan ko ng halik sa noo at sa labi. "Nagvivideo ka, wifey?" tanong ko

"Yes." sagot niya

DREAMING OF FOREVER: The Nerd's Beautiful TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon