CHAPTER 45

187 2 2
                                    

CHAPTER 45

NANATILI AKONG nakatago sa likod ni Hylo at hindi man kang naisipan na silipin si Davis. nanginginig parin ang aking palad at parang nahihirapan pa akong huminga. Hinawakan ko ang aking tyan ng biglang gumalaw iyon.

I know baby, that's your daddy but i'm sorry I can't face him right now.

"Can I atleast talk to, Cheska?" tugon ni Davis.

Ilang segundo rin siguro ang nakalipas bago sumagot si Hylo. Hindi ako nagsalita at nakatago parin sa likuran neto. Hindi katulad dati na pagalit ang boses nito. . . ngayon ay mahinahon iyon.

"No," matigas na tugon ni Hylo. pagak itong tumawa kay Davis. "Umiba yata ang ihip ng hangin bakit muhka kang mabait ngayon?"

Anong meron? bakit ganyan ang boses niya? Hindi ako sanay! may kapalit ba yon? mag binabalak ba siya na hindi maganda sakin? samin ng anak ko?

Humakbang papalapit si Davis sa amin kaya parehas kaming napaatras dahil doon. Napahawak pa si Hylo sa aking braso para hindi ma out of balance.

"How's the baby, Cheska?" Davis asked.

Hindi ako sumagot. Natatakot ako para sa gagawin niya sa amin. humigpit ang hawak ko sa damit ni Hylo at siniksik ang sarili sa likuran.

"Pwede ba umalis kana? Wala siyang balak kausapin ka," galit na wika ni Hylo. "Sa lahat ng ginawa mo sakanya sa tingin mo may gana pa siyang kausapin ka?!"

lalong humigpit ang hawak ko sa damit niya. Nanginit ang gilid ng aking mata.

"Umalis na tayo." I whispered. Sapat na iyon para marinig ni Hylo.

Tinalikuran niya si Davis at hinarapan ako. Tipid itong ngumiti sa akin at pinagsiklop ang aming palad. sinulyapan niya sa huling pagkakataon si Davis.

"Kaya kong tumayo bilang ama niyang dinadala ni Cheska, Davis. We just found out that you never been Cheska's husband," seryosong ani ni Hylo. "We will file a fucking case for you and your family. Magkita nalang tayong lahat sa korte."

Umalis na kami at iniwan si Davis na nakatayo lang sa parking lot. Sinulyapan ko siya bago tanggapin ang kamay ni Hylo. Inalalayan niya ako para makaupo ng maayos sa passenger seat. Hindi ko na kasi talaga makita ng maayos ang paa ko dahil sa aking tyan.

Hanggang makaalis kami ay nandon parin sa si Davis. Nasa gilid na siya at sinundan ng tingin ng kotse ni Hylo. Buong byahe ay sobrang napakatahimik. Habang itong si Raheem Nate ay walang tigil sa pag galaw sa aking tyan. Minsan ay napapa igik pa ako dahil ang ibang sipa nito ay masakit.

"Are you okay?" Hylo asked.

"A little. . . I guess," I whispered.

He nodded his head. "No sweets for you, okay?" Malambing niyang wika sa akin at mabilis akong sinulyapan.

Dahil doon ay humaba ang aking nguso. "That's hard," malungkot kong tugon.

Mahina lang itong natawa at hinaplos ang aking bilugan na tyan. "You're having a hard time right now. Am I right?"

I nodded. "Ang galaw niya kanina hanggang ngayon. Minsan napaka sakit na," sumbong ko sakanya.

Magaan ang kamay nito ng haplusin niya ang tyan ko. "Buddy, don't move too much. Your mommy is having a hard time," malambing niyang wika kay Raheem Nate.

Sa hindi namin inaasahang pangyayari ay bigla itong tumigil sa pag galaw. Pinakiramdaman ko pa ang aking sarili para makasigurado at tama nga. Behave na behave ulit ito ngayon.

"Hindi na siyang gumagalaw," natatawa kong wika.

"I guess close na kami ng anak mo?" natatawa rin na tugon ni Hylo.

ningitian ko lang siyang hanggang sa makarating kami sa Mcdo. Nag drive thru nalang kami dahil balak namin dumiretso sa bahay nila Mommy at Daddy para mabisita sila. Gusto ko malaman din nila ang update kay baby.

sisingit pa sana ako ng sundae sa order pero pinatanggal agad yon ni Hylo. Akala ko ba naman ay makakalusot ako sakanya.



NANG MAKARATING na kami sa subdivision ay pinark lang namin sa labas ang kotse at lumabas na. Si Hylo ang nagbukas ng pintuan sa side ko at inalalayan akong makababa.

"Cheska. . ." tawag nito sakin.

umangat ang tingin ko sakanya na may pagtataka.

"What? may problema ba?" tanong ko.

umiling ito. "Wala naman," tugon nito. Pinagsiklop niya ang aming palad. "Ayaw ko man na agawin ang posisyon ni Davis sayo bilang daddy ni Raheem. But I can be Raheem's dad. I can treat you and your baby better." mahina nitong wika.

Muhkang seryoso ito sa kanyang sinasabi. Nakatingin ito sa akin. . . eye to eye contact while holding my hands.

"Sa lahat ng nalalaman ko sa tingin ko hindi niya deserve iyon. All those dirty things he did to you. . . he doesn't deserve being a father to your child," wika nito. "I'm scared, Cheska. I'm really scared if I give you to him again. What if saktan ka niya ulit? what if saktan ka niya pati si Raheem? Hindi ko makakaya 'yon. Hindi ko ulit makakaya na makita kang maraming sugat at pasa pag uuwi ka pabalik sa akin."

napalunok ako. I can already see his tears forming in his eyes. Pati tuloy ako ay naiiyak sa sinasabi niya. Napasinghot tuloy ako at hindi na mapigilan na umiyak sa harapan niya. Mahina kong hinampas ang balikat nito.

"Ano ba! Kahit kailan hindi ako papayag na bumalik sakanya kung ibabalik mo ako ron," lumuluha kong wika. "At alam ko na maayos ang trato mo sa akin kahit nung dati pa. Paano pa kaya si Raheem 'di ba? I know you will treat my baby good."

Inipit ko sa aking palad ang dalawa nitong pisngi at nilapit sa aking muhka. Pinagdikit ko ang aking noo sakanya at mabilis na hinalikan ang kanyang labi.

"Mahal na mahal kita, Hylo. Kahit kailan hindi ko minahal si Davis. Ikaw lang at wala ng iba. Sobrang tagal kong tiniis lahat ng pambababoy niya sa akin para sa pamilya ko pero ngayon masaya na ako dahil nandyan kana. . . kasama na kita. Mag kasama na tayong dalawa," malambing kong wika.

"Hinding hindi ako babalik sakanya, okay? Sayo lang ako, Hylo."

He nodded many times. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako pagkatapos ay hinaplos niya ang aking tyan at hinalikan iyon.

"I love you, Cheska," he whispered.

I smiled. "I love you more."

"Love birds, get inside quickly."

sabay kaming napatingin ni Hylo ng makita si Solitaire. Seryoso ang muhka nito habang karga si Thalestris.

"Hi, Mommy," malambing nitong wika sa akin.

nilapitan ko siya at hinalikan. "Hello, Baby. I missed you so much," tugon ko ay niyakap siya. Humagikhik pa ito ng pinupog ko ng halik sa muhka.

"Tickles," natatawa niyang wika.

Natawa kaming tatlo at napalitan din agad ng seryosong muhka. Hindi ko alam pero parang hindi maganda ang kutob ko rito. Hinawakan ko ang kamag ni Hylo at sabay kaming pumasok dalawa.

"Davis' parents is here and they are looking for you," seryosong wika ni Solitaire ng ikinatigil naming dalawa ni Hylo.

Bakit sila nandito? ano na naman ba ang pakay nila sa akin?

SHANGPU

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Where stories live. Discover now