Chapter 17 (6/20/15)

581K 17.6K 2.6K
                                    

Dedicated kay prymari ang chapter na 'to. I love your comment last chapter about sa situation ni Nica. You nailed it! :D

****


Chapter 17

[Timi's POV]

"Tuloy ka," sabi ko kay Ice habang pinapapasok ko siya sa unit namin ni Rika.

Gusto ko na lang i-umpog ang ulo ko sa pader. Hindi ko inaasahan na magagawa kong papuntahin ang lalaking nanakit sa akin dito sa pamamahay ko.

Pero kung sabagay. Bahay nga ng parents ko napuntahan na niya eh. Nakipag-inuman pa siya kay daddy!

"Gusto mo ng maiinom? Juice? Coffee? Water?"

Ngumiti siya, "iced tea."

Anak naman ng--!!

"Wala akong iced tea!!"

Kainis! Palayasin ko kaya siya dito! Doon na lang siya sa coffee shop at sana eh pagkaguluhan siya ng mga fangirls! Bwiset!

"Timi nandiyan ka na pala. Nakita mo na ba yung-"

Napatingin ako kay Rika at nakita kong napahinto rin siya habang takang-taka na nakatingin kay Ice.

"Hi Rika," bati ni Ice.

"Oh, Ice," tumango si Rika and she gave me a meaningful look.

"Ano yung sinasabi mo, Rika?" tanong ko sa kanya at dinedma ko ang meaningful look na binigay niya sa akin.

"Sabi ko kung nakita mo na yung news ng kay Jasper at about sa server mo? Kumakalat na sa internet."

"Agad-agad?"

"Yes. Wait I'll get my laptop."

Pumasok si Rika sa room niya at sinundan ko siya doon. Agad kong sinara yung pinto.

"Rika, about Ice, I can explain. Kasi pinag drive niya ako, tapos mamaya pa yung sundo niya eh nakonsensya ako kasi-"

"Timi, wala naman akong sinasabi ah?" naka-ngisi niyang sabi.

"Eh kasi yung tingin mo sa akin! Parang ano eh! Parang ano!"

"Ano?"

"Wala! Kunin mo na nga yung laptop mo!" I heard her giggle.

Minsan iniisip ko kung apprentice ba siya ng EndMira when it comes to pamimikon sa akin eh. Gumagaling na rin kasi siya sa pang-aasar!

"Relax Timi. Hindi ko iniisip na kaya mo dinala rito si Ice ay dahil hindi mo siya matiis at gusto mo pa rin siya. Hindi talaga. Promise!"

Pinanliitan ko ng mata si Rika.

"Hindi kita ipagluluto ng favorite mong pasta!"

Lumabas ako sa kwarto niya at dinig ko ang malakas na tawa ni Rika.

Hmp! Pinagmumukha niya akong guilty! Ayun naman talaga ang iniisip niya eh!

Mali siya! Mali!

~*~

"Oh god, nakaka frustrate ang comments ng mga tao!" sabi ko habang binabasa ko yung samu't saring comments ng tao doon sa photo ni Jasper at ni Nica.

Doon sa picture, kitang galit na galit si Jasper at parang susugurin yung lalaki habang si Nica naman ay nakatayo sa likuran niya. She's wearing a short shorts and and a tube blouse.

May positive comments like, "ang gentleman talaga ni Jasper," "he is so cool!", "Hero siya! Ang lucky nung girl!" "Kahit galit siya, gwapo pa rin."

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon