First (one shot story)

76.5K 2K 462
                                    

Dedicated sa parang little sister ko na dito sa wattpad.. si Riz.. btw ang dami na rin niyang stories na naisulat.. romance, mystery and horror yung mga sinusulat niya..
kaya kung may time kayo try to read her works..:))


FIRST

"Tisoy!" tawag ko sa bestfriend kong si Carlo. Mag-bestfriend kami since grade 1, mula nang ipagtanggol niya 'ko kina Kirby. Palagi kasi nila akong inaasar noon. Lampa raw ako. Palagi kasi akong nadadapa. Ewan nga ba kung anong meron sa mga paa ko.

Naalala ko, 9 years ago.

"Lampa! Lampa! Lampa! Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" pang-aasar ng mga classmate kong sina Kirby, Matt at Joey. Nandito kami sa playground ng school at nadapa na naman ako, tapos 'yung ice cream na kinakain ko nadaganan ko pa. Ayan tuloy ang dumi na ng uniform ko.

Nakaupo pa ako sa damuhan dahil hindi pa ako kaagad makatayo. Pilit ko kasing pinipigilan ang pag-iyak. Yumuko ako at kinagat ang ibabang parte ng labi ko para hindi matuloy 'yung pag-iyak ko. Pero konti na lang talaga, maiiyak na 'ko. Sabayan pa ng patuloy na pang-aasar nila.

"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!"

Hindi ko na mapigilan, nagtataas-baba na 'yung balikat ko, may hikbi na rin na lumalabas sa bibig ko. Tapos naisip ko pa na papagalitan ako ni Nanay kapag nakita 'yung damit ko.

"Huwaaaahhh!!!" naiyak na 'ko.

"Iiyak pa 'yan! Iiyak pa 'yan!" hindi pa rin sila tumitigil. Sinasabayan pa nila ng tawa.

"Tama na 'yan! Huwag niyo na asarin si Ayen!" pahikbi-hikbi ako na tinignan kung sino 'yung nagtatanggol sa'kin. Si Carlo pala. Classmate ko rin siya. "Kapag 'di niyo tinigilan, isusumbong ko kayo kay Ma'am!" dagdag pa niya.

"Sumbungero!" sagot naman ni Kirby. Pero umalis din sila at tinigilan ang pang-aasar sa akin. Natakot siguro isumbong at natakot din siguro kay Carlo. Matangkad kasi si Carlo kung ikukumpara sa lahat ng mga lalaking classmate namin. Sa pila laging siya ang nasa dulo, ako naman ang laging nasa unahan. Ang liit ko kasi eh.

Tinulungan niya akong tumayo, "Huwag ka nang umiyak. Tara, samahan kita kay Ma'am. Ang dumi kasi ng uniform mo," sabi pa niya sa'kin.


Mula nang araw na 'yun, palagi na kaming magkasama. Sabay kami pumasok, sabay kami kumain tuwing recess, sabay din kaming umuwi, sabay kaming mag-review tuwing may quiz at exam. Tamad kasing mag-aral 'tong si Carlo, puro basketball ang laman ng utak. Samantalang ako, honor student, 'yun nga lang palaging second, dahil sa mahigpit kong kakumpetensya na si Tanya.

At hindi lang ako sa school second, pati sa bahay. Second family kami, in short naging kabit ang nanay ko. Nakikita namin si Tatay paminsan-minsan lang, doon pa rin kasi siya sa original na asawa niya umuuwi. Sinusustentuhan na lang niya kami. May ate ako si Ate Kara, pangalawa ako at ang bunso namin si Myka. Pangalawang anak ako kaya lahat ng pinaglumaan ng ate ko sa akin napupunta, si Myka naman malayo ang agwat sa akin kaya hindi na pwedeng ipasa pa kung anong napaglumaan ko, kaya madalas binibilhan siya ng bago. Hindi ko naman naiisip na kawawa ako, kasi alam ko naman na hindi kami mayaman.

Pero hindi lang doon nagtatapos ang pagiging 2nd ko, kasi pati sa usapang pag-ibig pangalawa pa rin ako. Hep! Hindi po ako kabit ah, kung ano man ang nagawa ng mga magulang ko, wala akong balak gayahin. Oo, utang ko sa kanila ang buhay ko, pero kung magkakapamilya ako gusto ko buo, hindi 'yung uuwi lang 'yung asawa ko para abutan ako ng pera para sa mga anak ko. Tapos, tapos na.

Mabalik tayo sa lovelife ko. Second lang ako, kasi sa puso ng bestfriend kong si Carlo pangalawa lang ako. Opo, in-love ako sa bestfriend ko pero siya hindi eh. Mahal daw niya 'ko, syempre kasi bestfriend niya 'ko, pero ang gusto niya talaga si Tanya. Ngayon nga magkasama sila. Sinimulan na niya kasi ang panliligaw kay Tanya. Swerte ni Tanya 'no? Hanggang lovelife first siya, at kung sasagutin niya si Carlo, siya ang magiging first girlfriend ng bestfriend ko.

First (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon