Chapter 32

40 5 6
                                    

Athanasia's POV

Nakatayo ako sa harap ng aming mansyon. Makailang ulit akong nagbuntong hininga at ilang ulit na rin akong nagtangkang pindutin ang doorbell pero hindi ko maituloy-tuloy. Ang dami kong naiisip kagaya ng ano ang sasabihin nila sa anak na bigla na lang nawala sa kalagitnaan ng gabi?

Ipinilig ko ang ulo at marahas na nagpapadyak. Nakakaasar, anong gagawin ko?

"Lady Harriette?" natigilan ako at napalingon sa isang maid na mukhang galing sa labas. Napapahiya akong tumayo ng tuwid at ngumiti nang matamis.

Masaya itong lumapit at umikot sa akin. "Ikaw nga Lady Harriette! Wah!" hindi ko inaasahan na matutuwa ang maid sa pagdating ko. Ito ang maid na tinakot ko noon, natatawa pa ako kapag naaalala ko iyon.

"Kumusta ka ma'am? Lalo kang gumanda! Kayo pa rin ba ni Sir?" usisa nito kaya natawa ako kahit bahagyang namula. Ipinakita ko ang kuwintas at sabay kaming tumili.

"Nakakakilig naman!! Sana lahat ma'am" saad nito.

"Nand'yan ba sila sa loob?" tanong ko at itinuro ang loob ng mansion.

"Naku, wala po madam" saad nito. Napangiwi ako dahil sa iba-iba nitong tawag sa akin.

"Nasaan sila?" tanong ko. Naglakad kami papasok ng gate. Nagulat pa ako nang makita ang spare key ng gate sa kanya. Ibig sabihin, na promote siya as mayordoma!

"Nagpapagawa po ng bridal gown and suit" saad nito habang binubuksan ang gate. Natigilan ako at napakunot ang noo. "What do you mean?" Ipinagpatuloy pa rin ba nila?

"Pinapasukatan po si Lady Helena at iyong si Mr. Cai, nakakatuwa rin ang dalawang iyon. Laging nag-aaway pero nagkatuluyan din" kuwento pa niya. Tuluyan na kaming nakapasok ng mansion.

"Laging nag-aaway as in asaran or what?" usisa ko. Tandang-tanda ko pa ang sapakan ng dalawa noong umalis ako.

"Hindi lang po ganoon hehe, pero kadalasan si Mr. Cai ang may pasa. Sa tingin ko madam, hindi na siya gumaganti kagaya noong sa garden" natigilan ako sa sinabi niya. "Alam mo ang nangyari noon?" tanong ko.

Tumango siya. "Opo, hindi lang po kami kundi nahuli po silang dalawa at narinig ng lahat ang usapan nila!" energetic nitong kuwento. "Sa una, ang toxic nila madam, parang 'yong sa mga pelikula pero ayos na sila ngayon"

"Juice, ma'am?" tanong nito at pinaupo ako sa sofa. Tumango na lamang ako dahil iniisip ko ang mga sinabi niya. Too much information.

Nawala sa isip ko ang mga iyon nang maramdaman ang pamilyar na pakiramdam kapag umuuwi sa sariling bahay. Ang nostalgic ng feeling. Nakaka miss din pala, dito sa mismong mini table na ito ko nakita ang dyaryo noon kung saan ko nakilala si Sirius. Napangiti ako.

Tumayo ako at balak sanang mag libot nang may tumawag sa akin.

"Harriette?"

"Harriette, anak ko? Ikaw ba iyan?" samo't-saring pakiramdam ang aking naramdaman nang makita ang aking ina na bumaba mula sa hagdan.

Akala ko ba ay wala silang lahat dito?

"A-anak ko, ikaw nga!" saad ni mama at patakbong lumapit sa akin. Lumuluha ito at nanginginig ang kanyang labi. Pansin ko rin ang pamamayat niya at higit sa lahat ang mga mata niyang nangungusap.

"M-mama," saad ko. Natigilan ako nang yakapin niya ako nang mahigpit at humagulgol.

Naramdaman ko rin ang init niya. May sakit si mama, ganito siya kapag nilalagnat.

"Anak ko, p-patawad!" malakas ang iyak niya at para ako nitong sinasakal.

"Mama," naiiyak kong sabi. Nanghihina ang tuhod ko ngunit pinilit kong magpakatatag upang huwag mabuwal.

Premonition Of Love (Sauvietierre Series #1)Where stories live. Discover now