Secret Admirer Book 2 (Love Rivalry)

3.6K 34 1
                                    

Hello po sa inyo! :) Ito po ang book 2 ng Secret Admirer. Hindi ko pa po natatapos ang story na ito, pero sana ay tangkilikin po ninyo! ^^ Don't forget to vote and comment po. Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Secret Admirer II P1

LOVE RIVALRY

 

Continuation of SECRET ADMIRER

Nikka's POV

Isang buwan na ang nakalipas simula noong natanggap ko ang regalo ni Jason. Isang buwang pananahimik, pagluluksa, pagpapakasaya ngunit wala itong talab, siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para makalimutan ko ang nararamdaman ko sa kanya. Makakalimutan din kita Jason, sa tamang panahon.

Dear Diary,

Hindi ko alam kung paano ko siya makakalimutan. Please naman, ayokong masira relasyon namin dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko siya, alam mo naman 'yun diba?

Lord, kung kami talaga para sa isa't-isa, please Lord, give me a sign. Kung hindi po kami para sa isa't-isa, alam ko namang pong may ibibigay ka sa akin na mas better pa sa kanya. Salamat Lord!

Jason's POV

Heto na, pagpasensyahan mo na kung naduduwag ako. Oo, mahal ko si Nikka hindi lamang bilang kaibigan kundi mas higit pa sa pagiging kaibigan. Hindi ko masabi sa kanya ang totoo kasi natatakot akong masira ang relasyon namin dahil lang do'n. Oo alam ko ring mahal niya din ako pero di kaya ng konsensya ko ang i tolerate ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas gugustuhin ko nalang mananatili kaming magkaibigan hangga't wala pa akong sapat na rason para iangat namin ang aming relasyon sa next level.

Al's POV

Hindi ko naman kailangan ng magaganda at sexy na babae sa buhay ko. Ang kailangan ko lang ay 'yong babaeng magmamahal sa akin ng totoo, at sa aming relasyon ay mananatiling tapat at kontento.

Hindi naman kasi talaga ako masamang tao, may mga tao lang talagang nanghuhusga kahit hindi pa nila alam ang buong istorya.

> Sa palagay ninyo, sino ba talaga ang magkakatuluyan sa kwentong ito? :">

Secret Admirer II P2

For My Sake :'(

Nikka's POV

"Good Morning!" binabati ko sarili ko. Oo, sorry naman kung sarili ko binabati ko, wala naman kasing bumabati sa akin maliban nalamang sa mga text messages, alarm clock, araw hahaha. Nababaliw na ata talaga ako, epekto lang ito sa napasarap ang tulog :'3

Speaking of text messages, napapadalas nga naman ang pagtetext ni Al sa akin, puro nga lang "GoodMorning, GoodAfternoon, GoodEvening" hindi ko naman pinapansin kasi nga diba busy daw ako. :"> Wala pa akong oras makipag-away! -,-

Bumaba na ako mula sa aking silid at pinuntahan ko si mama.

"Good Morning ma---" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin sapagkat wala naman itong tao sa loob. Napapadalas yata ang pag-alis ni mama eh simula noong lumipat kami sa bahay na ito, tatlong beses sa isang 

linggo. Hindi ko naman alam kung saan siya pumupunta, anong dahilan ng kanyang pag-alis kasi pagdating niya sa bahay, medyo pagod na rin pero nakakausap ko naman siya hindi nga lang tungkol don.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Admirer Book 2 (Love Rivalry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon