Chapter 29

40 6 11
                                    

Dumoble ang bigat ng aking dibdib nang marating ko ang harap ng pinto. Natigilan ako at hindi sinasadyang suminghap. Nag-uunahan na naglandas sa aking pisngi ang luhang kanina pa gustong umalpas sa aking mga mata. Nagsimulang manlabo ang aking mga mata. Hindi ganito ang inaasahan kong mangyari.

Halos hindi ko makita ang pagsusuotan ng susi na aking hawak dahil sa panlalabo ng mga mata. Nanginginig din ang kamay ko habang pilit na hinahanap ang tamang lusutan nito.

"Makisama ka naman kahit ngayon lang!" usal ko at napipikon na pinalis ang luha sa pisngi. Kung kailan hindi maayos ang kalagayan at sitwasyon saka pa sasabay kahit ang maliliit na bagay na magiging malaki sa oras na nagpadala ka sa emosyon.

Napapikit ako nang madiin at napaupo katapat ng doorknob. Bumuntong hininga ako nang kumirot ang aking ulo. Dahan-dahan kong pinakalma ang sarili bago ko pa marinig muli ang mga tinig na inakala ko noon na isang kakayahan. Kahangalan!

Ilang malalim na pag hinga pa ang aking pinakawalan bago nakuhang kumalma. Iminulat ko ang aking mga mata. Muli kong sinusian ang seradora at sa pagkakataong ito nabuksan na iyon. Ang madilim na silid ang sumalubong sa akin na naghatid ng samu't-saring emosyon na nagpabagabag sa aking sistema.

Agad kong binuksan ang flashlight ng aking cellphone at hinanap ang switch ng ilaw. Ngunit sadyang inaasar yata ako ng pagkakataon dahil tila nalimot ko kung nasaan iyon o kaya nama'y nauukupa ng kung ano ang aking isip. Ayoko na sa dilim, naaalala ko ang mga nakalipas sa nakakatakot na karanasan.

"Bakit ganito?" naluluha kong saad. Nasalagmak na lang ako sa lapag. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagkawala ng pag-asa. Unti-unting bumabalik sa aking isip ang aking naging plano mula sa simula. Maging ang galit sa mukha ni mama at ni papa. Ang iyak ni Helena, ang pagmamakaawa ni Althea at ang mukha ni Sirius.
Bakit ngayon ko lang narealize? Niloloko ko lang pala ang aking sarili.

Napasabunot ako sa aking buhok at napahikbi. Dahil sa maling paniniwala nandito ako. Dahil sa paniniwalang iyon, ginulo ko ang buhay ni Sirius. Kahit naging maganda ang pakikitungo sa akin ni Sirius, hindi nito mababago ang katotohanan na ginamit ko siya. Bakit nagawa kong gamitin ang iba para sa sariling kapakanan? Napakamakasarili ko!

"Sirius..." kusang lumabas ang pangalan niya sa pagitan ng aking paghikbi. Darating ang oras na malalaman niyang ginamit ko siya bilang instrumento para maligtas ako sa kamatayan na gawa-gawa lamang pala ng aking isip. Kapag nangyari iyon, tiyak na kamumuhian niya ako.

Ang tunog ng aking cellphone ang bumulabog sa tahimik kong pagdurusa. Lumabas ang pangalan at numero ni Althea doon hudyat na tumatawag siya. Pinahid ko ang luha sa aking mukha at suminghot bago sagutin ang tawag niya.

"Ate, ginabi kami sa plaza at alam mo ba, pumunta si kuya Sirius doon kanina. Hinahanap ka niya. Nasaan ka ba ate?" unang bungad niya na ikinatigil ko. Muli kong naramdaman ang pagbara ng kung ano sa aking lalamunan. Gusto kong ilabas ang nararamdaman ngunit ayaw ko siyang pag-alalahanin. Masyado na siyang abala sa pagaaral niya. I don't want to be someone's burden anymore.

Tungkol naman sa sinabi niya. Hindi alam ni Sirius na kinuha ko ang huling condo unit kaya wala siyang alam kung nasaan ako at mas mabuti na rin iyon. Napagtanto ko kung gaano kalaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Hindi niya deserve iyon. He deserves better at sa ganito kong kalagayan, hindi ako iyon. Tama ang lolo niya, maliban sa parte na tungkol kay Riri, hindi pa rin ako payag.

"Sinabi kong umalis ka na, mukha siyang alalang-alala ate. Ate? Andyan ka pa ba?" saad pa ni Althea. Lalo itong nagpadagdag ng pagka guilty ko. He is so good, mukha lang siyang masungit at walang pake pero iba ang nakikita ko. He's a good man. How can I think of him as my killer? I'm such a fool.

"Hmm" tugon ko. Pilit kong pinasigla ang pagtugon ngunit hinadlangan ako ng aking lalamunan.

"Bakit ganyan ang boses mo ate? Umiyak ka ba? Wait, nagkasakit ka ba? Gusto mo puntahan kita?" mabilis niyang sabi. Napangiti ako sa pag-aalala niya. Mula noon ay palagi na siyang ganyan. Tumikhim ako at pilit na ikinubli ang sariling damdamin. Hindi naman ganon kasama o kalala ang nararanasan ko.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now