C13

77 27 12
                                    

PLEASE, SAY YES.

"See you tomorrow, 11-Humss. Wag niyo kalimutan 'yong pinapagawa ko." Saad ng second teacher namin bago tuluyang lumabas sa silid.


Kanina pa ako tulala rito sa room simula first subject namin. Iniisip kung bakit sila ganito sakin.

Paano ba naman, itong katabi ko ay pulos ang pag sulyap sakin, habang iyong Sheena naman ay hindi man lang inalis ang matatalim na titig sa direksyon namin. Kung hindi ako ang bigyan ng masamang tingin, tititig naman siya kay Pres na akala mo kung mawawalan kapag hindi niya nabantayan.

"Puro assignment, hindi pa natin nagagawa 'yong sa Oral Communication natin. Kaimbyerna! Akala ko chill lang ang HUMSS!"

Dinig kong buntong hininga nung nasa likod ng seat ko. Nakangisi ako sa kawalan dahil naka relate ako sa kanila. Anong nakain ko at nag HUMSS ako. Tss.

Iniling ko ang ulo at inayos nalang 'yong gamit ko at kinuha sa bag ang dala kong camera para i-check kung gumagana pa ba ng maayos.

Nagpaalam kami kay Ma'am PEH na mamaya kami kukuha ng pictures kaya hiningi namin ang time niya para doon.

"True!" Rinig kong sabi ng katabi ng nasa likod ko. Sang-ayon niya sa sinabi ng kaibigan niya.

"Oo nga pala! May nasalihan ka ng club? Mag tatapos na ang second sem natin."

"Wala pa. Ikaw? Saang club ba gusto mo? Mag g-grade 12 na tayo wala pa akong nasalihan."

"Sa music nalang kaya? nandon si Pres makikita natin siya tuwing 4-5." Halata sa boses ng babae na kinikilig siya. Rinig ko ang mahina nilang hagikgik.

Napairap nalang ako habang tinitignan kung okay ba ang camera ko.

Mga talandi.

"Ay! Teh, alam mo ba, sabi ng kakilala ko daks raw siya." 

Nakuha ng atensyon ko ang kaniyang sinabi. Palihim akong nakinig sa kanila.

"Oh? Paano niya nalaman?" Curious na tanong naman niya.

"Kasi 'di ba mag kapit bahay sila?"

"Oh ano?"

"Nakita niya mula sa kwarto niya na nag e-exercise si Pres ng nakaboxer lang!" Bulong ng katabi niya pero rinig ko.

"Oh my! Oh my god! Bisita tayo minsan sa kanila! Gusto ko rin maki–"

Agad kong nilingon ang dalawa dahil parang mali na ang pinaguusapan nila.

Ako pa nga lang ay nahihiya na sa pinagsasasabi nila, paano pa kaya kung si Pres ang makarinig sa kanila. Paniguradong sobrang nakakahiya.

Namataan kong nakatingin sila kay Pres na nasa harap na may sinusulat sa board.

Tinapik ko ang desk nila ng malakas para maagaw ang atensyon nila. Gulat ang mukha nilang lumingon sakin.

"Ayokong makarinig ulit ng ganiyang mga salita mula sa mga bibig niyo kung ayaw niyong mamaga 'yan." Mariing sabi ko sa kanila.

"W-what are you sayin–"

"Anong 'yang mga pinagsasasabi niyo kanina?" Pagpuputol ko sa kaniya.

Napapahiya siyang nag-iwas ng tingin sakin. Tinignan ko ang katabi niyang mataray ang mata sakin. Akala ko ay tatarayan ako nito, nang magulat nalang ako sa itsura niya ng nanlalaking mata niyang tumingin sa likod ko. Hindi ko na sana iyon papansinin at pagsasabihan na rin ito, nang may kumalabit sa akin Mula sa likod ko kaya nilingon ko iyon.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now