C7

106 37 44
                                    

PLEASE, SAY YES.


"Another day another slay. Ganda ko talaga."

I feel like I'm in a good mood today. Siguro kasi ay ngayong araw ang groupings para sa photography project.

Buong gabi kong iniisip ang photography na ito. Halos hindi ako makatulog kagabi kaiisip kung saang parte ng school ako kukuha ng litrato. Madaming magandang place ang meron sa school. Naglibot ako sa school kahapon at buti nalang ay may nakita ako. Iyon lang ang nakuha ng mata't atensyon ko.

Iyong sa likod ng STEM building.

Ngingiti ngiti akong lumabas sa kwarto. Nang pagkababa ko galing sa aking silid, naabutan kong nakaupo si Mama sa sofa namin at may binabasa.

"Ma, Alis na ako!" Tumango siya sakin habang ang mata ay nasa kaniyang binabasa parin. Inismiran ko nalang siya bago tuluyang lumabas ng bahay.

7:30 ang klase ko pero 6:30 palang, Hindi naman siguro halatang excited ako di ba?

Dinala ko nga rin pala 'yong camera ko na regalo sakin ni kwan dati. Wag nalang banggitin ang name dahil baka mabad trip lang ako.

Mabilisang akong sumakay sa jeep papuntang school ng may makita akong hindi pa puno.

Ilang minuto na ang lumipas simula ng makasakay ako pero ang isip ko ay nasa photography parin. Pilit kong iniwaksi ang nasa isip at nagmuni muni nalang.

Lumingon ako sa bintana, at sa Hindi inaasahan, may mamataan akong parang pamilyar na lalaki.

Nilapit ko ang ulo ko sa bintana at sinilip 'yong naglalakad na lalaki na may kasamang babae. Hindi nga ako nagkamali.

Si Pres!

At yung babaeng coloring book.

Anong meron sa kanila? Bakit sabay silang pumasok? May lihim ba silang pagmamahalan?

Yucks

Jokogs naman ng type ni Pres.

Kung coloring book pala ang type niya, edi sana bumili nalang siya sa national bookstore.

Pagkadating na pagkadating ko sa school, Agad na akong pumunta sa room namin. I don't know why pero bigla akong na badtrip.

I-i-idlip ko nalang sana saglit habang wala pa si Miss Lambanog, Nang biglang umingay 'yong mga ugok kong mga kaklase. Hindi ko na sana sila papansinin ng mas lalo pang umingay ng maghiyawan sila.

"Uyyy bat magkasama!"

"Yieee..."

"Kayo ahh.."

Inangat ko yung ulo ko at nakita kong nasa pintuan sina Pres at Coloring book.

Ngiting ngiti pa 'yong bobo tss..

Umirap nalang ako saka binaling ang atensyon sa labas.

Hindi kayo bagay.

Lumipas ang ilang minuto ng sa wakas dumating na rin si Lambanog na galit na naman.

Araw araw galit, wala namang kaming ginagawa sa kanya. Medyo bobo din.

Dada lang siya ng dada sa harap at ako naman umiirap irap lang sa kanya dahil wala akong naiintindihan sa sinasabi niya. Puro wika wika ang pinagsasasabi.

Dumukdok nalang ako sa desk ko at sinubukang matulog. Buti nalang pwede na palang maging pang hele ang boses n Miss Lambanog dahil nakatulog nga ako.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero nagising nalang ako ng may marinig akong nagtatawanan. Hindi ko na sana papansinin iyon at baka natatanga lang sila, nang magising na ako ng tuluyan dahil may pumitik na ng noo ko.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now