C1

248 54 36
                                    

PLEASE, SAY YES.


"Oh Romeo! Romeo!" Bungad ko sa sarili pagkagising ko. Na-lss ako sa pinanood ko kagabing movie na Romeo and Juliette, na hanggang ngayong pag-gising ko ay hindi ko makalimutan ang linya na 'yan.

Pinanood ko ang movie na 'yon dahil narinig ko sa mga abnoy kong kaklase na nakakaiyak raw. Kaya ayon, pinanood ko rin.

Totoo namang nakakaiyak.

Nakakaiyak kasi wala akong maintindihan. Tangina walang subtitle. Para silang nag sasalita ng alien language.

Hinding hindi ko na uuliting panoorin iyon. Bwesit lang.

Inaantok pa ako pero tangina, may pasok pa ako.

Handa na sana akong muling humiga sa aking kama nang bigla nalang bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa nito si Mama.

"Derna! Umagang umaga nag-iinit ulo ko sayo! Maligo ka na at may pasok ka pa!"

"Oh Juliette!" Iniabot ko ang aking kamay sa kaniya mula sa malayo.

"Sinong Juliette!?" Nagpamewang siya sa pintuan at bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

"Mamamo." Tumayo na ako sa kama at humakbang palayo sa direksyon niya.

Alam kong maya-maya lang ay mabibigwasan na ako.

"Ha!?" Lumakas ang boses niya at unti-unting humahakbang palapit sa akin.

"Hakdog na brown." Sagot ko muli sa kaniya.

"Na-engkanto ka ba!?"

"Secret."

Pagkasabi ko palang nang linya na 'yon, agad nang may lumipad na tsinelas papunta sa akin.

"Pinagiinit mo ang ulo ko! Pumasok ka!"

"Eh, Ma! Ang aga-aga nag-iinit rin ulo ko sayo. Hindi ako papasok! Magpapractice akong mag acting! Sasali ako sa Pbb!" Umirap ako sa kaniya.

"Anong acting!? pbb!? Ang pangit mo hindi ka makakapasok ro'n!"

Nanlalaking mata akong tumingin sa kaniya at dinamdam ang sinabi niya. Anong konek ng acting ko sa pagsabi niya sakin ng pangit? Ang sakit ha!

Mapapa-wow ka talaga sa sakit magsalita ng inako. Grabe ka Ma. Inaka.

Umiling ako sa kaniya at marahang humakbang papunta sa harap niya. Dahan dahan akong lumuhod saka tumingala sa kaniya at tinignan siya nang may malungkot na ekpresiyon.

"Ang sakit! Ang sakit sakit ng mga ginawa mo sakin! bakit!? Hindi mo na ba ako mah- Aray!"

Hindi ko natuloy ang aking sinasabi sa kadahilanang binatukan na niya ako.

Tagos hanggang bungo tangina!

"Maligo ka na sabi! May pasok ka pa!" Nakapamewang na sabi ni Mama.

Nakahawak sa ulo akong tumayo sa pagkakaluhod at madramang humarap sa kaniya.

"Oo na, oo na. Lagi mo nalang akong ginaganito.. Siguro hindi mo ako tunay na anak.."

Akmang hahawakan ko na sana ang pisngi niya, nang hindi iyon matuloy dahil nakita ko ang mukha niyang halatang hindi tatalab kay Mama ang acting skills ko.

Mabilisan niyang inabot ang isa niya pang tsinelas at itinutok sakin.

"Wag Ma!"

"Tigilan mo ako sa katangahan mo, ha!? Ang pangit mo na nga, wala ka pang talent!"

"Eh ikaw rin nam-"

"Aba sasagot ka pa?!"

"H-hindi na po..." Sagot ko kay mama dahil naka-amba na naman siya ng batok sakin.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now