Chapter 26

52 7 5
                                    


"PAANONG hindi ako nagkamali ng desisyon? E nadamay ka nga" katuwiran ko. Bumitaw na ako sa kanya ngunit nasa harapan ko pa rin siya.

Malakas pa rin ang kulog at kidlat sa labas ngunit mas malakas ang kanina. Hindi ko alam kung bakit parang nawala lahat ng negative thoughts na naiisip ko kanina. Dahil ba may kasama ako?

Hindi siya umimik.
Dahil doon ay naalala ko ang balak kong maghanap ng malilipatan. Wala pa akong balak bumalik sa amin. Parang hindi ko pa yata kayang makita ang sariling pamilya.

Siguro next week or month? Ewan, I need some personal space. Malayo muna sa kanila.

"O-oo nga pala, bukas maghahanap ako ng condo" saad ko at ngumiti. Hindi naman puwedeng manatili ako dito. Makaka-abala lang din ako kung ganoon.

May sarili siyang buhay at ganoon din ako. Isa pa hindi naman kami kasal. Oo na, sabog ako pero conservative rin naman.

"You didn't have to" natigilan ako sa pagka-seryoso niya pero umiling ako at umupo nang maayos sa sahig. Yumakap ako sa sariling tuhod.

Nakapag-decide na ako e.

"Kailangan ko iyon, hindi kita palaging puwedeng isama sa mga kalokohan at iba pang happenings sa buhay ko" saad ko.

Napag-isipan ko na kase na huwag na syang guluhin at isama sa pag liligtas sa sarili. Isa pa, hindi naman ako sure sa mga nakita ko noon. Pinagpaplanohan ko ngang magpatingin sa expert.

Nagaalinlangan ako sa nakita kong mga vision at ibang panaginip. Sa tingin ko ay wala ni isa ang nagiging totoo. Hindi kaya, nagkakamali lang ako?

Bumuntong hininga ako at ipinatong ang baba sa tuhod.

Naalala ko rin ang mga dating gawain. Balak ko kaseng mag bagong buhay kaya mags-sorry ako. Mwehehehe.

"At gusto ko ring mag-sorry sa mga pangungulit ko" I smiled at him but he did not smile back. Kaya sumimangot ako. Seryoso na naman ang mukha niya na parang may nasabi akong mali.

Nags-sorry lang naman ako dahil sa mga kalokohan ko. Lalo pa ang mga banat na pina-practice ko pa at pinag-iisipang mabuti.

Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay siyang magsalita. He gulped at umiwas ng tingin.

"Why does it sounds like you're pushing me away?" he asked all of a sudden. Nakahalumbaba siya habang ang ilang hibla ng kanyang buhok ay bahagyang hinangin ng hangin mula sa labas. Iyong bintana pala kase ay hindi gaanong sarado.

Natigilan ako dahil doon, habang sa kabilang sulok pa rin siya nakatingin. Kumunot ang noo ko at napakamot sa batok.

Hindi ko alam kung bakit parang nabuhayan ako at nagkaroon ng kaisipang ayaw niyang lumayo ako pero, hindi ako sigurado. Lalo pa't assuming ako, noon pa man. Middle name ko na ata 'yon.

"H-hindi naman sa ganoon, teka ayaw mo noon? A-ayaw mo bang lumayo ako? Hindi ba't matatahimik na ang buhay niyo no'n" sila ni Riri ang tinutukoy ko. Hindi ako nagseselos.

Haist! Oo na! Slight lang!

Naaalala ko pa rin kase hanggang ngayon ang pag-amin ni Riri. Nagsisisi na rin akong maaga akong umalis at hindi ko tinapos ang usapan nila. Dapat sinagad ko na ang pagiging chismosa. Baka lang naman diba.

Napayuko ako. Pero iyon ang mas magandang gawin ko. Gusto siya ni Riri, actually same bhe, same. Joke lang.

"I don't want that" napaangat ako ng tingin sa kanya. He's now staring at me. Natigilan ako dahil sa paraan ng pagtitig niya. Nakaka-hipnotismo, na parang nangungusap ito.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now