ONE

32 0 0
                                    

* Kring! Kring! *

Tumunog ang aking alarm clock, kinuha ko ito sa ibabaw ng drawer at itinumba. Nasira tuloy ang tulog ko! Ang ganda ng panaginip ko eh.

Bumangon ako, at ang matinding amoy ng kalawang at nabubulok ang agad na humalik sa ilong ko. At nang mapatingin ako sa sahig ay...

MARAMING BANGKAY, PIRA-PIRASONG KATAWAN AT IYONG IBA AY MUKHANG SARIWA PA ANG PAGKAMATAY.

Napa-upo ako sa sahig dahil sa labis na gulat.

"Ano ito?"

May pangingilabot kong inilibot ang tingin ko. Nanginginig ang mga tuhod kong tumayo at nanginginig rin ang kamay ko.

Mas mabilis pa ang tibok ng puso ko sa dugong umaagos sa katawang nakahandusay sa tapat ko.

"Ano ito?" muling bigkas ko pero sa pagkakataong ito, natataranta na ako.

Sino ba sila?

Hindi ako halos makakilos sa kinatatayuan ko ng biglang...

* BAAAAAAAAAAG! *

Isang malakas na hampas ang narinig ko sa labas ng pinto na lalong nagpawindang ng isip ko. Nanginginig ang labi ko at gusto ko nang sagot.

"Ano bang nangyayari?" bulong ko na puno ng takot.

Bagaman kinakabahan, nanlalamig ang kamay ko sa paghawak ng pihitan ng pinto at sinilip ang labas.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong mas maraming dugo sa labas. At nakita ko ang isang lalaki na hinihila ang paa ng katawang wari'y wala nang buhay. Naririnig ko rin ang langitngit ng itak na sumasayad sa sahig.

Napatakip ako sa bibig ko. Sa mga oras na ito, gusto ko nalang makaalis sa lugar na ito.

Dahan-dahan akong humakbang palabas ng pinto.

Napatigil ako nang may biglang humila sa braso ko...

"Argh-" isang kamay ang tumakip sa bibig ko.

Naluluha ang mata ko. Gusto kong maglulupasay pero maski sariling katawan ko ay nawalan ng lakas para kumilos.

"Shhh! 'Wag kang gagawa ng ingay kung gusto mong mabuhay tayo pareho," wika niya.

Mabilis akong tumango.

Dinala niya ako sa loob ng isang malaking cabinet.

Ngayon, magkaharap kami at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Dito na patuloy na umagos ang luha ko. Pakiramdam ko, wala nang pag-asa.

"Tumahimik ka!" pabulong pero dama ko ang inis niya. "Walang magagawa ang luha mo," galit na dagdag niya.

"Sino ka ba?" tanong ko.

"Shayne, ikaw?"

"Diane. Anong ginagawa mo dito?" nanginginig pa rin ang boses ko.

Maski ang taong nasa harapan ko ay kinakatakutan ko.

"Hindi ba dapat na ako ang nagtatanong niyan? Anong ginagawa mo sa bahay namin?" ramdam ko ang pagtataka niya.

Hindi ako nakapagsalita agad.

Bahay niyo?

Desisyon ka?

"Dito ako nakatira," saad ni Shayne.

"Mali ka, dito ako nakatira..." banat ko sa kaniya.

"Yung lalaking nakita mo sa labas. Papa ko iyon," bumigay na ang boses niya. "I hate him! Pinatay niya si mama, pati mga kapatid ko! And now, he's looking for me. Isusunod niya na ako..."

Father's DayKde žijí příběhy. Začni objevovat