Chapter 24

64 6 7
                                    

MALAMIG ang hangin ngunit dahil sa coat na mula kay Sirius ay hindi ko ito gaanong maramdaman. Kasalukuyan kaming naglalakad sa gilid ng kalsada. Medyo malayo na kami sa bahay ngunit hindi ko pa rin makita kung saan niya ipinarada ang kotse niya.

Lumingon ako sa kanya at humalukipkip habang naglalakad.

"Bakit mo ako naisipang itakas Sirius?" tanong ko. I mean, it's very unsual of him to do that. Mula nang muli kaming magkita ay naninibago na ako sa kanya.

Hindi naman masama ang pagbabago niya kaya nga lang ay hindi ako sanay. He's like an ice noong una naming pagkikita, tapos lagi niya akong itinataboy na hindi na niya ginagawa ngayon.

Napalingon ako sa kanya nang hindi siya tumugon. Binangga ko nang mahina ang balikat niya para sagutin ako pero hindi pa rin siya sumasagot. Ano bang problema nito?

"Hoy, bakit di ka sumasagot?" simangot ko. I mean look at him. Hindi man lang umimik sa tanong ko. Inaatake na naman yata ng pagiging moody niya.

"Sirius naman e, kinakabahan ako sa'yo" reklamo ko. Paano at daig ko pa ang walang kasama. Kinikilabutan tuloy ako, baka mamaya ay bigla na lang akong kagatin nito. Dejokelang.

Naalala ko tuloy ang mga kuwento-kuwento ng mga matatanda noon tungkol sa mga aswang. Napalunok ako dahil doon.

"I-iiwanan talaga kita dito" saad ko dahil hindi pa rin siya sumasagot. Tumigil ako at pumadyak. Bahala siya, kung ayaw niyang magsalita aalis na ako.

"Bahala ka nga dyan!" saad ko at padabog siyang iniwan. Hindi pa ako nakakalayo nang hawakan niya ang braso ko. Agad akong natigil sa pagbabalak na umalis kahit na arte ko lang iyon. Hinarap ko siya nang magkadugsong na ang kilay.

Nang hindi pa rin siya magsalita ay pinagtaasan ko siya ng kilay. Agad na iniwas niya ang tingin sa akin habang namumula ang tainga. May sakit ba siya?

Humalukipkip ako habang hinihintay ang sagot niya.

"I'm just waiting for you to c-call me..." bumuntong hininga siya at lumunok habang wala pa rin ang paningin sa akin. Nangunot naman ang noo ko sa sasabihin niya.

"Not by my name"

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano daw? Ibig niya bang sabihin...

Nakagat ko ang labi habang pinipigilang ngumiti. Naramdaman ko rin ang pag-init ng mukha ko at pag bilis ng tibok ng puso ko. Dagdag pa ang ka-cutan niya ngayong hindi siya makatingin sa akin. Napayuko ako at lalong lumawak ang pinipigilang ngiti.

Iyon ba ang dahilan kaya hindi siya sumasagot kanina? Gusto niyang tawagin ko sya gamit ang mga endearment na itinatawag ko sa kanya para asarin siya? Tumikhim ako.

"You want me to call you by my cheesy endearment? I thought you're annoyed by that" I teased him. Hindi nakatakas sa aking mata ang muli niyang pag lunok. Akala ko ay hindi na siya makakatingin sa akin dahil sa pang-aasar ko ngunit nang lumingon siya ay natigilan akong muli.

Namumula pa rin ang tainga niya ngunit ang mga mata niya ay nanatiling nakatutok sa mga mata ko na para ayaw niya akong mawala sa paningin niya.

Ha??

"Noon iyon Athanasia, I was annoyed because you're making me feel weird by calling me with those" he answered honestly. Kumunot ang noo ko.

"Making you feel weird? What do you mean?" ako naman ngayon ang napalunok. May ideya ako sa ibig niyang sabihin ngunit hindi ko alam kung bakit tinanong ko pa rin siya. Maybe I want to hear it thoroughly from him.

He stopped for a moment while his eyes are still fix on me. Nawala ang pagkaseryoso ng mukha niya bago nagsalita.

"You know what I mean, Atahanasia. I have a feeling that you already know what I mean" he chuckled sexily.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now