PROLOGUE

67.4K 1.1K 14
                                    


Twisted fate ©️ 2015 •

——————-

"Smile, anak. This is your special day. Minsan lang ito mangyayari sa buhay mo kaya i-enjoy mo." Ani mommy habang hinahanda ang kulay silver na sapatos sa harap ko.

Sana nga. Sana nga masaya ako ngayon. This is not what I wanted. Hindi ito ang pangarap ko. At hindi siya ang gusto ko. Well, not anymore.

"Ilang oras nalang, ihahatid ka na namin sa harap ng altar. Hindi pa din ako makapaniwala, Anak. Parang dati lang, naglalaro ka pa sa labas. Ngayon, ikakasal ka na." Maluha-luha niyang hinaplos ang pisngi ko. This is the first time na may ikakasal siyang anak kaya siguro ganito ang reaksyon niya.


"Alam mo naman na hindi ko 'to ginusto, Mom. I'm doing this for Dad. Ayokong sirain ang expectations nya saakin. Wala akong ibang choice kung hindi magpakasal sa taong hindi ko mahal." I couldn't hide the bitterness in my voice. Ang tanga ko ba kung hanggang ngayon, umaasa pa ko na hindi ito matutuloy?

Ilang sandali nalang, mamamaalam na 'ko sa pagiging single. May katuwang na 'ko at makakasama habang buhay. Ayaw kong tanggapin at hindi ko alam kung papasok ba sa sistema ko na kasal na 'ko.


"Mother, final touch nalang po kay Ms. Ayesha. ." Paalam ni Lily. Siya ang ang gumawa ng hair and makeup ko ngayon. Agad naman umalis si Mommy at lumipat sa tabi ko. Kinabitan niya 'ko ng kung ano- anong alahas. Kasama ang kwintas na bigay ni Mommy. Yun din daw ang suot niya noong kinasal sila ni Daddy. Ang swerte niya, napakasalan niya ang lalaking mahal niya.


"I know you'll be a good wife. Or at least, try to be a good one. You loved him before. Hindi imposibleng hindi mo siya mahalin ngayon." Alam kong sinasabi niya 'to para gumaan ang loob ko, pero hindi effective,e.


"Okay na Mommy. Alam ko naman na hindi ako puwedeng mag-back out. Naiintindihan ko na." I sighed tsaka tumingin sa salamin. Maganda ang pagkaka- makeup saakin. Maganda rin ang ayos ng buhok ko at napaka- elegante tignan ng suot ko na gown. Pero something's missing. I don't look happy. Kahit ngumiti ako, kitang kita sa mata ko na hindi ako masaya.



Eto na. Kaonti nalang ang distansya namin sa simbahan. Civil wedding lang naman ang gusto ko pero hindi pumayag ang pamilya ng mapapangasawa ko. Mas gusto nila na sa simbahan kami ikasal para daw saksi ang Diyos sa pag iisang dibdib namin.


Sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko. Alam ko na ayaw niya rin na ikasal saakin, parehas lang kaming walang choice. Paano kami? Anong mangyayari saamin kung hindi namin mahal ang isa't isa? Will this even work? I can't help but to worry. Hindi ko man gusto 'to, siya pa rin ang makakasama ko sa loob ng mahabang panahon.


"Ready, anak? Halika na. Naghihintay na si Ethan sa loob." Unti- unti kaming naglakad sa ginta ng aisle. I saw him. Walang bahid ng ngiti sa mga labi niya. His cold eyes settled on me. Nanikip ang dibdib ko sa sobrang kaba. Sht naman! Bakit ba kasi kailangan, Church wedding? I'd rather sign those papers kaysa dito!


"Ethan, ingatan mo ang anak ko. Kahit gaano pa kahirap intindihin yan, wag na wag mo siyang sasaktan." Bilin ni daddy nang nasa harapan ko na si Ethan.


He already did, Dad. Nasaktan niya na 'ko. Ilang beses na. At alam kong kayang kaya niya 'kong saktan ulit.


After exchanging our wedding vows na walang katotohanan, the priest pronounced us as husband and wife.


I am now Mrs. Ayesha Kathleen Dela Fuente, and I am married to my ex.


____________

Twisted FateWhere stories live. Discover now