Chapter 23

59 6 8
                                    


Athanasia's POV

NATIGILAN ako. Hindi ko alam ang gagawin. Nanuyo rin ang lalamunan ko na naging dahilan ng pag lunok ko.

"H-huh?"
tanging naging tugon ko.
Hindi ko rin kase alam ang sasabihin ko.

Nag-iisip pa sana ako ng puwedeng sabihin ngunit may tumawag sa amin. It's Riri, nasundan niya agad si Sirius. Tumingin ako kay Sirius at naiilang na ngumiwi.

"Hey, nandito lang pala you two"
sabay kaming napalingon ulit kay Riri na patakbong lumapit sa amin. Hahawak sana siya sa braso ni Sirius ngunit hinigit ko ito. Wala lang bet ko lang higitin.

"Bakit mo ako iniwan doon Sirius?" she pouted. Hindi ko rin alam kung aalis ba ako o hindi dahil lumilipad ang isip ko sa sinabi ni Sirius kanina. Natauhan lang ako nang may humawak sa braso ko.

Napaangat ako ng tingin kay Riri dahil doon. Bakit siya nakahawak sa akin?

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa ginagawa niya.

"Oh hi, sister in law!" ngumisi siya sa akin na para bang nasa kanya ang alas. Ano bang nginingisi niya r'yan?

Pareho nga sila ni Cai. Parehong may sira. Magkapatid nga talaga sila.

Pinagsiklop pa nito ang kamay at umaktong nangangarap. Sana gumaling na siya sa karamdaman niya.

"I can't wait to be the bride's maid sa wedding ninyo ni kuya Cai" ngumiti pa ito nang matamis. Napalunok ako at bahagyang sumulyap kay Sirius na ngayon ay nakakunot na ang noo. Napabuga ako ng hangin sa marahang paraan. Mas pipiliin kong mag pasensya sa ngayon dahil wala pa akong baril, joke lang.

Akala ko tapos na siya pero hindi pa. Mukhang nagsisimula pa lang siyang guluhin ako.

"Oh, bakit hindi ka mukhang masaya? Aren't you happy na magiging magkapatid na tayo sa law?" ngumisi pa siya. Inilapit niya ang labi sa tainga ko at bumulong.

"At akin na rin si Sirius right?" she whispered teasing me. I was about to push her but then Sirius interfered.

"Don't touch her" he was on his serious and baritone voice again. I'm thankful to him na.

Natigilan naman si Riri dahil doon, pero imbis na lumayo ay umakbay pa ito sa akin at ngumiti nang matamis kay Sirius na ngayon ay masama na ang tingin sa braso ni Riri. Eh?

"Why? You don't know ba? She's my sister in law Sirius, she is my brother's fiancee na" napabuntong hininga ako at tinanggal ang pagka akbay nito sa akin.

"Uuna na ako" saad ko. Wala akong oras sa mga pakulo ng babaeng ito. Sabagay mabuti na rin palang nasabi na niya. Mahihirapan pa ako kung ako pa ang magsasabi noon.

Wala naman label pero kung maka asta Athanasia ah!

Hindi ko na siya pinansin nang magsalita pa ito at iniwan na silang dalawa doon. Hawak ko pa rin ang heels at naka paa pa rin ako. Napabuga na lang ako ng hangin.

Marami sa mga estudyante ang napapatingin sa akin pagkatapos ay bababa sa paa kong walang suot. Natatawa na lang ako sa reaksyon nila.

"Oh, bakit hindi mo sinusuot ang heels mo, pres?"
nilingon ko ang grupo nila Kyle na naka tambay na naman sa isang bench. Ayos ah, wala ba silang mga klase?

"Kayo, bakit nasa labas kayo? Wala ba kayong mga klase?" taas kilay kong saad habang nakahawak sa sariling beywang. Nagkatinginan sila at nag-si tayo.

"Meron hehe, sorry pres. Pasok na kami" nakangiting aso na saad ni Prince. Napamaang ako sa sinabi nila at ngumisi.

"No, walang babalik. Sumama kayo sa cafeteria" saad ko. Nagsikunutan ang noo nila na naging dahilan ng pagtawa ko. Doon lang nila na realize na nahuli sila ng president na hindi pumapasok.

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now