CHAPTER 8.

7 1 0
                                    

" Umuulan sa labas Oliv. " Tanaw ni Travis sa nagtataasang bintana namin sa tabi ng TV. Muli niyang hinawi pabalik ang kurtina dito at sumandal sa pader habang tumitipa sa telepono niya.     " Lowbat ako, hindi ako makakapagpasundo sa driver namin. Malas nga naman oh. "


We've been watching 2 movies lately and it's already 1:30pm. Naghahanda na siya umuwi since may trabaho pa siya sa cafe. He is a part timer ng umuwi siya ng Pinas, ayaw rin naman niya umasa sa padala sa kaniya ng parents niya.




"Wala kaba dala payong?" I asked while lifting up the pillows on the couch, looking for an umbrella he could use.



Napakamot naman siya sa ulo. " Wala eh, ayaw ko naman magpakabasa sakitin ako Oliv." Biro niya sakin na ikinatawa ko naman. But that indeed is true.



Ilan beses siya nagkakasakit when we are senior high, halos maambunan lang madadala sa ospital. He's very sensitive. And madalas siya dapuan ng sakit. Bilib pa rin ako sa mokong na ito na kahit ganon kalagayan ay kung saan saan pa siyang lupalop ng mundo nakakapunta ay matibay pa rin.



" Oh siya! Wag kana nga naman makipagsapalaran jan sa ulan, tatawag nalang ako ng Grab sunduin ka dito. " I suggested that'll call the grab para di na rin siya maglakad ng umuulan.


" Yiee, you care about me Oliv? "



"No, I care for my finances. " Pabiro kong saad while liniligpit ang pinagtambayan namin.



" Finances? "



" Yes, sa St Luke Hospital ka ba naman naka confine pag nagkakasakit ka. Mauubos pera ko doon."


Napatawa naman siya at kinotongan ako. Hinigit ko buhok niya at lumapit sa bintana.

Hinawi ko ang kurtina at totoo ngang napaka lakas ng ulan, kitang kita ko ang kidlat na gumuguhit sa kalangitan, at napaka dilim na langit, parang galit na galit.



Napakurap na lamang ako at bumuga sa hangin at kinapa ang cellphone ko sa bulsa ng shorts na suot ko. Napakunot naman ang noo ko ng di ko ito makapa saakin. Sinubukan ko kapain ang dede ko dahil kaminsan ay dun ko tinatago mga gamit ko pero wala!





" Eto na nga ba sinasabi ko Olivia eh! Ulianin kana! Huhu! "




Linibot ko muna tingin ko sa sala at hindi ko talaga ito mahanap. Naisip ko namang nasa taas yon kaya nagpaalam muna ko kay Travis na kukunin ko iyon. Since his phone is dead, saakin naman ay hindi pa kaya ako nalang tatawag sa Grab.


As expected, I left my phone sa CR pagkatapos ko maligo. Binuksan ko ito at 19 missed calls ang tumambad saakin.




Holy shit.




Nalaglag panga ko sa sandamakmak na missed calls ni Caden! Pati ang messages niya sa lockscreen ko! Halos manghina tuhod ko ng maalala kong may usapan nga pala kami kahapon.



Napapikit ako at sinapo noo ko sa sobrang katangahan na nalimutan kong enrollment pala namin ngayon! Such an idiot!



Binuksan ko ang text messages niya. And hiyang hiya ako sa katangahan ko.


*baby caden*

(Asan kana?)

(Dito na ako sa harap ng university intay kita.)

(Where are you?)

(It's already 7:30 you're late.)

(Can you fucking answer my calls?)

(Olivia.)

(Fuck you woman.)


Nailapat ko ang dalawa kong labi at inuntog sarili ko sa pader. " Girl tanga strikes again."



Umiling na lamang ako at agad tumawag ng Grab. Maybe I can go to his house? Teka alam mo ba bahay niya Olivia?


Jusmiyo naman oh! Ulan na ulan pa naman ngayon bad timing!



Oh sino dapat sisihin mo jan, natural ikaw pa rin Olivia susmaryosep ka.



Teka bakit ako pupunta sa bahay niya? To apologize?Yes! Tumpak! Agad ako nagsuot ng pink na hoodie at itinali buhok ko. I was only wearing dolphin shorts and slippers. Pero di na mahalaga porma ko, I just wanna apologize to him. Napaghintay ko siya ng matagal doon.



Dali dali akong bumaba sa hagdan at nadoon parin si Travis nakataas ang kilay habang pinagmamasdan ako.



"Oh,sasama kaba sakin? Iuuwi na kita." Pabiro niyang saad.



" Pupunta kasi ako-"   Hindi ko na maituloy sasabihin ko ng maalalang hindi niya nga pala kilala si Caden. At baka magpumilit pa ito sumama saakin lalo na kung lalaki pupuntahan ko.



Tumingin ako sa ibang bagay at sumagot sa kaniya. "A-ano ah.. red days you know naman hehe, diba? Bibili ako sa convenience store jan sa tapat. " Masama man magsinungaling sa kaniya, but it's only for Caden. Naaawa talaga ako at nakalimutan kong sabay nga pala kami ngayon mag eenroll at may usapan pa kami.



Laking pasasalamat ko ng biglang dumating ang grab driver sa harap ng gate namin. Sinukuban ko siya ng payong at inihatid siya sa taxi. Hindi biro makasakay dito. Our home is in a village, at hindi basta basta napasok ang mga taxi o sasakyan dito.



Ng makapasok siya sa kotse ay binaba nya muna ang bintana nito. " Mag iingat ka ah. " I gave him a smile and waved him goodbye hanggang sa unti unti naglaho ang taxi sa paningin ko.



Pumasok muna ako sa bahay and immediately call Carra. Good thing is she picked it up real quick.




" Carra do you know where Caden lives?" Pambungad na tanong ko sa kaniya.




" Ahh.. nasa condo siya ngayon eh, why are you looking for that bastard anyway? " Pagtataray niya at naramdaman ko inis sa tono niya pero hindi muna iyon mahalaga sakin.



' Kailangan ko siya makita. '




" H-ha ano kasi..magbobook ako ng condo ehh..a-ano ayaw ko naman makita siya noh! Maliit lang ang mundo." Natagalan si Carra bago sumagot at sinabi ang home address ni Caden. Hindi manlang ako nakapag paalam o nakapagpasalamat at agad pinatayan si Carra ng telepono.




I immediately grab my large clear umbrella. " Ma!! Aalis muna ako ha byee i love you! "







Di pa nakakasagot si Mama ay tumakbo na ako sa ulan at nag antay ng taxi sa labas ng village na tinitirhan namin.








Wait for me Caden, I'm coming.

Love's Blueprint(ONGOING) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora