Chapter 22

68 7 14
                                    

Athanasia's POV

FIGHTING can be successfully done if the person you're fighting for fights for you too. Kapag may kasama ka sa laban. But in my situation, ako lang. Hindi ko puwedeng ipaglaban ang hindi naman sa akin. I pouted and sighed.
Ano ba itong mga naiisip ko?

Humalukipkip ako at ngumiti kay manong.
"Saan po ito dadalhin?" tanong nito. Nautusan ko siyang dalahin ang bagong agreement na kailangan na lang ng pirma ni Sirius. Isang pirma na magpapalaya sa kanya. Hay, bakit parang ang lalalim ng mga nasa isip ko?

Nagsisimula na yata akong maging makata.

"Sa Villacano's residence po" I answered. Kasama na dito ang sulat na humihingi ng tawad dahil sa force arrange marriage na nangyari sa aming dalawa. Naaalala ko pa ang panimilit ko kay papa noon para lang doon. I am really immature.

Kahit alam kong hindi ako pagbibigyan, pi-nush ko pa rin. Hindi ko rin alam at limot ko na kung paano ko sila napapayag. Nakakagulat din ang mabilis na pag payag ni Mr. Villacano na hindi ko inaasahan.

Hindi ko naisama ang kuwintas dahil hindi ko ito maalis. Nagpatulong na nga ako kay Althea ngunit hindi niya matanggal. Doon lang namin na realize na may maliit itong susian. Sa sobrang liit ay hindi namin iyon nakita kaagad. Hindi iyon nakikita basta-basta. Kaya hanggang ngayon ay suot ko pa ito.

"Sige po ma'am, pumasok na po kayo. Mamaya ay dadating na naman dito sa labas iyong van na nagd-deliver ng death threat sa daddy mo ma'am" saad nito. Kinamot niya pa ang batok. Nag-aalangan kung dapat niya bang sabihin iyon.

Napabuga ako ng hangin. Wala namang sense ang pagtatago. At the end of the day, makikita pa rin ako ng lalaking iyon. Ako mismo ang kailangan o pakay nito.

Tumango lang ako at ngumiti bago pumasok muli sa loob ng mansyon. Pagpasok ko sa kuwarto ay napasandal ako sa pinto. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang bagong agreement?

Natawa ako sa naisip, palagi naman siyang walang reaksyon e. Pero alam kong matutuwa siya, nakakainggit. Ang daya, nam-miss ko na agad siyang kulitin e. Daily habit ko na ata 'yon.

Napahilamos ako ng mukha. Hindi ako puwedeng maglabas ng emosyon. I can't be emotional at times like this.

NAKAHALUMBABA ako sa salas habang nag-iisip kung papasok ba ako ngayong hapon. Absent kase ako kaninang umaga. Until now ay hindi ko pa rin ulit nakakaharap sinda mama at papa. Pero ang alam ko sinabi na ni kuya sa kanila ang gagawin ko.

I'm in the middle of talking to my self when Althea entered. Galing siya sa kusina, it's 1 pm already.

"Ate, kumain ka na" saad ni Althea at ngumiti. Ngumiti rin ako ngunit wala akong gana. Kagabi pa ako hindi kumakain.

"Kakain na lang ako mamaya" saad ko kaya tumango siya, pero hindi siya umalis sa kinalalagyan. Nakatayo lang siya pero alam kong may gusto siyang sabihin na hindi niya masimulan. Tumikhim muna ito at dahan-dahang lumapit sa akin.

"Ate, kaya mo ba talaga? Natatandaan kong mula noon, gusto mo na si kuya Sirius" sabi nito at umupo sa tabi ko. Sa kulay grey na sofa. Sa salas ako ngayon tumatambay dahil nas-suffocate ako sa sariling kuwarto.

Hindi ko rin maintindihan. Isa pa ang vision ko, hindi ko alam kung tunay ba. It doesn't make sense. Bakit iba ang nangyayari sa nakita ko? Ako ba ang may gawa no'n? Mga katanungan sa isip ko na wala naman din akong maisagot.

"Everything happens for a reason" I uttered. Althea face saddened. Humalumbaba rin siya kagaya ko.

"Bakit kailangan mong gawin ito ate? Hindi mo kasalanan iyon"

Premonition Of Love (Sauvetierre Series #1)Where stories live. Discover now